Pagbuhay sa nakalugmok na ekonomiya, pinaka-epektib na plataporma!
ni Ka Ambo - @Bistado | October 27, 2021
BUTAS-BUTAS pa rin ang mga senatorial slate ng mga kandidato sa pagkapangulo.
Buwenas kung ikaw ay common candidate ng ilang grupo!
◘◘◘
KINUMPIRMA naman ni dating Speaker Alan Peter Cayetano na hindi siya interesadong kumandidatong pangulo.
Nagkasya na lamang si Cayetano na kumandidato senador!
◘◘◘
PRAKTIKAL na ang desisyon ni Cayetano dahil masyado nang marami nag-file ng COC sa pagkapangulo.
Kumbaga, ang bagong kahulugan ng BTS ay Balik Tayong Senado!
◘◘◘
MADIWARA ngayon ang mga partido.
Mahihirapan nang matukoy kung sinu-sino ang loyal sa kani-kanyang partido!
◘◘◘
MAY mga hindi tayo inaakalang magkakasama ngayon sa mga senatorial line-up na dati ay magkakaaway at magkakaiba ng paniniwala at direksyon.
'Yan ay aktuwal na kahulugan ng alyansa!
◘◘◘
MAY angkop na tawagin ang mga ito bilang “rainbow slate”.
May kani-kanyang agenda, interest at propaganda!
◘◘◘
MAGAAN sanang magwawagi si Cayetano kung kongresista ang kanyang hangad dahil teritoroyo niya ang Taguig.
Sa totoo lang, dalawang presidentiable ang nangako sa kanya ng suporta kung nais niya muling maging Speaker sa Kamara!
◘◘◘
MAHALAGANG kilatising mabuti ng mga botante ang tiket sa Senado.
Kumbaga, ‘‘stop,look and listen’’ bago maglista ng kandidato sa Mayo!
◘◘◘
PANAWAGAN ni Cayetano, isantabi muna ng bawat isa kung anong kulay ang iboboto nila.
Pagbatayan dapat sa pagboto ang mismong plataporma de-gobyerno!
◘◘◘
DESIDIDO siyang ituloy ang P10-K Ayuda Bill upang makatulong sa mamamayan at mapasigla ang ekonomiya.
Magiging bahagi 'yan ng Five-Year economic plan!
◘◘◘
Mahalagang mag-isip nang todo ang mga botante.
Matapos ang eleksiyon sa Mayo 2022, inaasahan na mararanasan ang negatibong epekto ng napakahabang lockdown.
Pinakaepektibong plataporma ay ang pagbuhay sa nakalugmok na ekonomiya!





Comments