top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

"Pagbubukas ng mga libro" ng voters' lists sa Abril 18-29 — Comelec

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 29, 2022
2 min read

ni Lolet Abania | March 29, 2022



Magsasagawa ang Commission on Elections (Comelec) ng tinatawag na “pagbubukas ng mga libro” ng mga listahan ng mga botante o voters’ lists sa buong bansa simula Abril 18 hanggang 29.


Sa isang interview ngayong Martes kay Comelec Commissioner George Garcia, sinabi nitong ang books o mga libro na gagamitin sa loob ng voting precincts at ang mga listahan na ipo-post naman sa labas ng mga presinto sa araw ng eleksyon ay maaaring i-check.


“Magkakaroon po tayo ng tinatawag na pagbubukas ng mga libro ng ating mga list of voters sa buong Pilipinas po ito. Ito ay gagawin ngayong Abril 18 hanggang 29,” ani Garcia.


Ginawa ni Garcia ang pahayag matapos niyang talakayin ang mga inilatag na seguridad kaugnay sa mga isyu na may ilang patay nang mga indibidwal na maaari pa ring nakasama sa voters’ list.


Ayon kay Garcia, kung ang pangalan ng isang tao ay nakasama sa libro sa loob ng isang precinct o sa election day computerized voters list (EDCVL), ang naturang indibidwal ay papayagang makaboto.


Gayunman aniya, kung ang pangalan ay absent o wala sa EDCVL, ang naturang indibidwal ay hindi papayagang bumoto, kahit pa ang kanyang pangalan ay nasa listahan na naka-post sa labas ng precinct o sa posted computerized voters list (PCVL).


Giit naman ni Garcia, kung ang EDCVL at PCVL ay hindi nag-match, maaaring mayroon itong ilang irregularities. Paliwanag ng opisyal, may ilang tao na binabago ang PCVL para malito ang mga botante.


Nanawagan din siya sa mga poll watchers at citizens’ arm na makiisa para sa beripikasyon ng mga voters’ lists.


Sinabi pa ni Garcia na mag-iisyu rin ang Comelec ng isang voter information sheet.


Hinimok naman ng opisyal ang mga botante na i-check ang kanilang iskedyul at voting precinct designation sa kanilang mga lokal na Comelec offices bago pa ang araw ng eleksyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page