top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pagbenta ng maruming karne

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 7, 2021
1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | June 07, 2021



Dear Chief Acosta,

Sobrang luma at marumi na ang mga trays o lalagyanan ng mga karne ng baboy sa isang grocery store sa aming komunidad. Maaari bang mapanagot ang grocery store na ito? – April


Dear April,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 48 (d) ng Republic Act No. 9296, o mas kilala sa tawag na The Meat Inspection Code of the Philippines kung saan nakasaad na:


“Section 48. Prohibited Acts. - No person, firm or corporation shall: x x x;


d) do any act while they are being transported in commerce or held for sale, which is intended to cause or has the effect of causing such articles to be adulterated or misbranded.;” (Binigyang-diin)


Samakatwid, sa proseso ng pagbebenta ng mga kinakaing karne, malinaw na ipinagbabawal ang paggawa ng kahit anong bagay na maaaring magdulot ng pagkakaroon ng adulterated meat o mga karneng marumi na siyang nakasasama sa kalusugan kung kakainin. Ibig sabihin, maaaring mapanagot ang nasabing grocery store kung mapatutunayang marumi ang mga ginagamit nilang lalagyanan o mga trays ng mga ibinebenta nilang karne.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page