top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pagbangon ng turismo, oks lang mabagal basta ‘di banta sa kalusugan

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 25, 2020
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | October 23, 2020


Isa sa mga higit na naapektuhan ng pandemya ang sektor ng turismo.


Dahil sa banta ng COVID-19, ipinatupad ang travel ban, palabas o papasok man ng ‘Pinas, gayundin ang mga pasyalan.


Matapos ang ilang buwan, unti-unting niluwagan ang lockdown, gayundin ang travel restrictions.


Kaugnay nito, pinag-uusapan na umano ng gobyerno ang posibilidad na luwagan pa ang travel restrictions sa bansa, partikular ang non-essential travels sa mga turistang mula sa mga bansang may mababang kaso ng COVID-19.


Paglilinaw ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, pinag-aaralan na ang posibleng pagbubukas ng borders sa mga bansang halos walang kaso ng COVID-19.


Gayunman, hindi umano basta-basta ang pagbubukas ng Pilipinas sa mga turista galing sa ibang bansa.


Sakaling mapayagan ng IATF, inaasahang maglalabas ng listahan ng mga bansa ang gobyerno pati ang guidelines bilang pag-iingat sa COVID-19.


Sa pinakahuling resolusyon ng IATF, pinayagan na ang non-essential outbound travel ng mga Pilipino kung magpapakita ng round trip ticket, travel at health insurance at declaration na alam nila ang banta ng pagbiyahe sa ibang bansa.


Gayundin, kailangang magpakita ng negatibong resulta mula sa antigen test na ginawa 24-oras bago ang flight schedule.


Bagama’t nauunawaan nating layunin nitong ibangon ang turismo sa bansa, pero sana, tiyaking ligtas ito at pinag-isipan.


Hindi porke galing sa bansang kaunti ang COVID cases, makakampante na tayo na wala silang dalang virus.


‘Ika, slowly but surely, basta hindi malalagay sa anumang banta ang bansa.


Oras na maaprubahan, tiyaking masusunod ang lahat requirements para sure na walang carrier na makakapasok.


Hindi lang ekonomiya ng bansa ang dapat iprayoridad kundi pati ang kaligtasan ng ating mga kababayan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page