Pagawaan ng armas natupok, 2 bahay nadamay

ni Mervin Reyes @News | October 15, 2026

Photo: Sunog sa ARMSCOR Global Defense Incorporated sa Brgy. Fortune, Marikina City - Marikina Filipino - Chinese Fire Brigade Volunteers
Nasunog ang compound ng ARMSCOR Global Defense Incorporated sa Brgy. Fortune, Marikina City, nitong Martes ng gabi, Oktubre 13, na ikinasira ng dalawang katabing bahay at nagpa-evacuate sa mga residente dahil sa mga putok ng bala.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas-9 ng gabi at umabot sa ikalawang alarma bago idineklarang fire out alas-12:41 ng hatinggabi nitong Miyerkules. Walang naiulat na nasugatan.
Narekober din ng mga opisyal ng barangay ang ilang basyo ng bala sa labas ng nasunog na gusali.
Sinabi ni Jhoanna Marie Ibay, assistant vice president for corporate relations ng ARMSCOR, na hindi pa natutukoy ang pinagmulan ng apoy.
Patuloy namang iniimbestigahan ng BFP ang sanhi at halaga ng pinsala.





Comments