top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pagadian Vanguards, matinik, MisOr nakabawi sa VisMin Cup

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 3, 2021
1 min read

ni Gerard Arce - @Sports | December 03, 2021



Natuldukan ng host team Pagadian ang three-game losing skid nang pabagsakin ang Roxas sa matikas na come-from-behind, 99-82, Miyerkules ng gabi sa CTG Pilipinas VisMin Super Cup Mindanao Challenge sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga Del Sur.


Naghahabol sa 13 puntos tungo sa final period, humaribas ang Vanguards sa mainit na 15-4 run para maidikit ang iskor sa 73-75 may 6:52 ang nalalabi sa laro. Ngunit, ang pagtatangka ng Roxas na makabangon para maulit ang panalo sa MisOr, 90-87, Martes ng gabi ay hindi na natupad.


Humirit ang Explorers sa ganting opensa na 15-3, tampok ang three-pointer ni Edros Quimado tungo sa ligtas na 14 puntos na bentahe, 90-76, tungo sa final two minutes ng laro. "Simple lang ang sinabi ko sa kanila. There's no way to go but win after three straight losses," pahayag ni Explorers head coach Gherome Ejercito.


Hataw si Edzel Mag-isa sa Pagadian sa naiskor na 23 puntos, 13 rebounds, at tatlong blocks, habang nag-ambag si Glenn Acaylar ng 16 puntos, pitong rebounds, at apat na assists, at tumipa si Niño Ibañez ng 12 puntos. Napatatag ng Explorers ang karta sa 3-4 para makasosyo ang Basilan sa ikalimang puwesto, habang bagsak ang Vanguards sa 4-3 marka.


Nanguna sina Marlon Monte at Kentoy Segura sa Vanguards na may tig-15 puntos, habang tumipa si Jaymar Gimpayan ng 10 puntos. Sa ikalawang laro, nakabawi ang Globalport-MisOr sa nakadidismayang kabiguan laban sa Roxas Martes ng gabi nang pabagsakin ang Zamboanga Sibugay, 72-61. Sinimulan ng Valientes ang laro sa 27-15 bago sumagitsit sa 46-26.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page