top of page
Donny Pangilinan - IG.jpg

‘Pag wala na raw si Kris, utol kargo na niya… “I WILL ONLY MARRY A GIRL WHO CAN ACCEPT KUYA” — BIMBY

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | October 21, 2026



BIDA - “I WILL ONLY MARRY A GIRL WHO CAN ACCEPT KUYA” – BIMBY_IG _krisaquino

Photo: IG _krisaquino



Na-interview din pala ni Boy Abunda si Bimby Aquino sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) at naiyak ang TV host nang i-share ang ilang bahagi dahil napag-usapan si Josh Aquino.


Isa sa mga nabanggit ni Boy na sinabi raw ni Bimby, “I will only marry a girl who can accept Kuya. Because I know, when Mama is gone, I will take care of him.”

“Nakaka-proud,” ang nasabi ni Boy habang nagpapahid ng luha.


Mapapanood din ang interview ni Boy kay Bimby sa October 28, kasabay ng two-part interview kay Kris Aquino. 


Naku, maraming maiiyak nito, hindi lang dahil kay Kris, dahil na rin kay Bimby.





Together again sila ng ex-BF sa party…

BELA, BINURA NA SA IG ANG BREAKUP POST KAY MARTIN



DELETED na sa Instagram (IG) ni Bela Padilla ang post niya tungkol sa hiwalayan nila ni Martin Tan.


Hindi na mababasa ang post na ‘yun na binabalik-balikan pa namang basahin ng iba. Hindi malalaman ang dahilan dahil hindi na siguro magsasalita ang aktres.


Dahil sa ginawa ni Bela, binato siya ng hate comments. Nagpapapansin lang daw siya at gumagawa ng isyu to be relevant. Ang haba raw kasi ng ginawa niyang post, tapos ide-delete lang.

Ang mga netizens na ang nagbigay ng rason kung bakit binura ni Bela ang post niya. Baka raw she and Martin are giving their relationship another chance at mas maganda kung magkakabalikan sila, wala na ang kanyang breakup post.


Nagkita kasi silang dalawa sa birthday dinner ng makeup artist ng aktres at sa lumabas na photos na magkatabi sila at parehong nakangiti, kung break man, friends pa rin sila. Hindi pupunta si Martin sa birthday dinner kung war sila ni Bela, pero dumating siya at magkatabi pa ng upuan.


Anyway, comment ng mga fans ni Bela, parang hindi galing sa breakup ang aktres, hindi ito nagmukhang depressed at walang mga cryptic messages na nagpaparinig. 


Pagkatapos niyang maglabas ng breakup post, hindi na siya nagsalita at lumitaw na lang ang photo nila ni Martin na magkasama sa birthday ng kanyang makeup artist.





WORTH it ang effort ng cast at production team ng The Master Cutter (TMC) na pagandahin ang bawat episode ng action series na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes. Worth it din ang effort ng aktor sa iba’t ibang disguise na ginagampanan, lalo na kapag isa siyang babae. Ayos na ayos mula sa makeup, damit, pagsasalita at kilos.


Hindi lang sa GMA-7 sinusuportahan ang action series dahil pati sa streaming platform na Netflix, ang Book 2 ng TMC: Anak ng Sinulid ang nasa Top 2. 


Ang maganda, hindi lang si Dingdong ang napupuri, pati ang buong cast, kabilang ang dalawang child actresses na sina Sienna Stevens at Ericca Laude. Tuwang-tuwa sa kanila ang mga viewers.


And speaking of Dingdong, nakipag-collab ang AKTORPH sa Bench Active para sa gagawing Bench Active x AKTOR PH Hybrid Games happening on November 8 at Space at One Ayala. The event is bringing together the acting community for a celebration of health, movement, wellness, and camaraderie.


Pagagalawin at pagpapawisin ni Dong ang mga kasama sa AKTOR PH at marami sa kanyang mga members ang active sa sports, kaya siguradong successful ang event na ito.





‘Pagiging matanda, ‘di raw excuse sa kabastusan... RITA, SINITA ANG SENIOR NA MAINGAY SA SINEHAN



NAI-SHARE ni Rita Avila ang experience niya sa isang senior citizen sa loob ng sinehan.


Kuwento niya sa Threads app, “I was watching in a moviehouse. The phone beside me rang loudly. He was on loudspeaker and he talked like no one was around him. I said, ‘Maingay po, nasa sinehan kayo.’


“He replied with, ‘Pasensya na, senior na.’ I said, ‘Senior na rin ako.’ He put off his phone.


“SENIOR na nga, so he should have learned social manners by then.”

Dagdag pa ni Rita, “‘Yung anak ko nga, sinasabihan ako ‘pag bright masyado ang CP (cellphone) ko. At ang sabi pa n’ya, ‘di EXCUSE ang pagiging SENIOR sa kawalan ng manners. 


“Precisely! Dapat, marami nang natutunan ang senior. Tapos ‘yung misis, dedma sa rudeness ng asawa. Ano’ng ituturo nila sa mga anak o apo nila?”


Marami ang nag-agree kay Rita sa nai-share nito tungkol sa mga phone habits sa loob ng sinehan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page