‘Pag sobrang inlab… HEART, KABISADO NG PARENTS NA GUMAGASTOS SA LALAKI
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 27, 2026

Photo: Heart Evangelista - IG
Sa kanyang recent guesting sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), inamin ni Heart Evangelista na sobra siyang generous sa kanyang mga nakarelasyon. Mahilig siyang magregalo ng mamahaling gamit para mapasaya ang kanyang boyfriend.
Ang pagbibigay ng regalo ang kanyang ‘love language’ at ito ang ugali ni Heart na tinututulan ng kanyang parents.
Pero sadyang nananaig pa rin ang pagmamahal ni Heart kaya hindi siya mapigil sa sobrang pagiging galante kapag nai-in love.
Hindi lang idinetalye ni Heart kung anu-anong mamahaling bagay ang naibigay niya noon sa kanyang mga ex-boyfriends.
Kaya naman, may mga netizens ang nagtatanong kung tatalunin ba ni Heart ang pagiging generous ni Kim Chiu pagdating sa pagreregalo sa kanyang mga naging boyfriend.
Si Gerald Anderson ang nakatanggap ng pinakabonggang regalo mula kay Kim Chiu tulad ng Rolex watch, motorsiklo, branded clothes, 64-inch TV, atbp..
Walang binanggit si Kim Chiu tungkol sa mga naibigay niya kay Xian Lim sa loob ng 11 years nilang relasyon. Hindi kaya mas bongga pa dahil mas matagal ang relasyon nila?
MARAMI ang nagtatanong kung ano ang batayan o criteria sa pagpili ng mga artistang ginawan ng statue sa bagong attraction sa Star City, ang STARTista Gallery.
Sinu-sino ang pumili at bakit may ilang baguhan na nasama? Okey na naroon sina
Hidilyn Diaz, Efren ‘Bata’ Reyes, Ara Mina, Gladys Reyes, Ruffa Gutierrez, Michael V., Paolo Contis, at Maui Taylor. Pero bakit wala ang iba pang malalaking artista na deserve namang mapasama sa STARTista Gallery?
Well, baka naman ang iba ay hinihingan pa ng permiso kung puwedeng gawan ng statue tulad ng Comedy King na si Dolphy.
Pero si Michael V., a.k.a. Bitoy, super-happy sa ibinigay sa kanyang importansiya ng gallery. Ikatutuwa ng mga bata na makita ang kanyang statue sa Star City, lalo na ng mga tagahanga ni Michael V. at regular na nanonood ng Pepito Manaloto (PM) at Bubble Gang (BG). Kaya deserve niya ang anumang karangalan dahil 4 na dekada na siya sa showbiz.
After Kobe…
KYLINE, AYAW MUNA NG LALAKI
MUKHANG ayaw munang pumasok sa bagong relasyon ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara matapos masaktan sa breakup nila ni Kobe Paras. Ine-enjoy niya ngayon ang pagiging single.
Bagama’t marami namang nagpaparamdam na manliligaw kay Kyline, hindi niya binibigyan ng pansin. Sa kanyang career nakatuon ang kanyang panahon.
Hindi naman siya nalungkot kahit broken-hearted siya. Madalas ay kasama niya si Barbie Forteza kaya madali siyang naka-move on.
Tama lang na bigyan ni Kyline ng importansiya ang kanyang sarili. Maraming oportunidad ang naghihintay sa kanya sa showbiz.
Sa tamang panahon, darating din ang lalaking nakalaan para sa kanya. Tiyak na magiging much wiser na siya kapag muli siyang umibig. Deserve ni Kyline Alcantara ang lalaking tunay na magmamahal sa kanya.





Comments