‘Pag pinagsabay ang concert… BINI, TAOB SA SEXBOMB
- BULGAR

- Mar 6
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 5, 2026

Photo: IG _bini_ph & _sexbombgirls_official_(Erlinda Rapadas)
Bukod sa kanilang matagumpay na pagbabalik sa concert scene, may pinauso rin na bagong style sa pananamit ang Sexbomb Girls (SBG), na ginagaya ngayon ng mga teen-agers.
Sa pag-iikot namin sa Baguio City, marami kaming nakitang kabataan na mala-Sexbomb ang style ng pananamit. Halatang marami ang umiidolo ngayon sa kanila.
May ilan ang nagsasabing kapag pinagsabay ang concert ng BINI at Sexbomb Girls, mas dudumugin ang huli.
Naghihintay na rin ang ilang mga show promoters abroad dahil marami ang nagre-request na dalhin ang SBG sa USA, Canada, Hong Kong, Australia, Middle East, atbp.. Gusto nilang maramdaman ang saya at sigla kapag nagpe-perform ang Sexbomb Girls on stage.
Natipuhan ng cong... ANNE, TAOB SINA IVANA AT SANYA SA LAKAS NG SEX APPEAL
ANG lakas pala ng sex appeal ni Anne Curtis sa mga kalalakihan. Isa sa mga nabighani sa kanya ay si Cong. Bong Suntay.
Hindi kagandahan ang kanyang naging komento kay Anne. At kahit wala naman siyang masamang intensiyon sa pagpapahayag ng kanyang paghanga, para sa nakararaming kababaihan ay isa itong pambabastos at hindi nararapat na isang public official tulad niya ang magkomento.
Ito ay senyales ng kawalang-respeto sa kababaihan. Maging si Quezon City (QC) Mayor Joy Belmonte ay hindi nagustuhan ang naging komento ni Suntay kaya pinayuhan niya ang kongresista na humingi ng apology.
Samantala, wala pa namang reaksiyon sa nasabing isyu si Anne dahil nasa Oman pa ito ngayon kasama ang kanyang mister na si Erwan Heussaff at ang kanilang anak na si Dahlia.
Well, kinabog talaga ni Anne Curtis ang ibang sexy stars tulad nina Ivana Alawi, Sanya Lopez, atbp. sa lakas ng kanyang sex appeal.
UMIRAL ang pagiging mala-tigre ni Karla Estrada sa mga comments ng ilang bashers na sana ay magpakamatay din ang anak niyang si Lella Ford tulad ng yumaong anak ni Kuya Kim Atienza na si Emman Atienza.
Ang bunso ni Karla ang itinanghal na Kapamilya Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 (PBBCCE2) Big Winner. Full support ang pamilya ni Lella, especially ang kanyang mom at brother na si Daniel Padilla.
Baka nga mas malaki pa ang ginastos ng pamilya nila sa pagsuporta ng boto kay Lella kesa sa cash prize na napanalunan nito sa PBBCCE2.
Well, matindi ang galit ng mga bashers sa pagkapanalo ni Lella Ford, kaya wala sa katinuan ang kanilang mga komento.
Kahit tawagin na si Karla na ‘stage mom’ dahil siya ang humaharap kapag nasasangkot sa isyu o bashing ang mga anak mula noon pa man, wala siyang pakialam at nagbanta pa ngayong reresbak.
Hindi raw mangyayari na makaranas ng mental depression si Lella Ford dahil suportado siya ng kanyang pamilya. May aktibo siyang relasyon sa kanyang mom at mga kapatid. At tulad ni Karla Estrada, palaban si Lella Ford at may strong personality.
MARAMI ang sumasaludo kay Marian Rivera sa agaran niyang pagbibigay ng tulong sa veteran actress na si Odette Khan. Nang malaman ni Marian na may sakit ang batikang aktres at nangangailangan ng financial assistance, agad niya itong pinadalhan.
Hindi malilimutan ni Marian si Odette Khan na nakatrabaho niya noon sa isang serye ng GMA-7. Kay Odette naranasan ng aktres ang matinding sampal sa isang eksena, at nagdugo pa ang kanyang labi sa lakas.
Pero hindi nagtanim ng galit si Marian kay Odette. Alam niyang bahagi iyon ng trabaho bilang artista.
Sa kabila ng sinasabi ng iba na mataray at suplada si Marian, mas marami ang nagpapatunay na mabait siya at may matulunging puso.
Hindi lang niya ipinag-iingay ang tulong na ibinibigay niya sa mga nangangailangan.
Samantala, may mga nag-suggest na sana ay mag-fundraising ang major cast ng Bar Boys 2: After School (BB2AS) para kay Justice Fernandez (Odette Khan). Puwede ring tumulong ang ibang artistang nakatrabaho niya sa showbiz.




Comments