Pag-operate ng mga pasugalan ang palaging ibinibida
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 02, 2021
IDEKLARA KAYA NG DUTERTE GOV'T. NA APOR ANG MGA KUBRADOR NG STL-CON JUETENG?—Dahil nagsimula nang manalasa sa bansa ang deadly COVID-19 Delta variant, nagpasya ang Duterte gov't. na muling isailalim sa lockdown ang Metro Manila mula Agosto 6 hanggang Agosto 20, 2021, at sa ilalim ng ECQ (Enhanced Community Quarantine) ay tanging APOR (Authorized Person Outside Residence).
At dahil si P-Duterte ang nagbigay-bendisyon sa mga gambling lords na mag-operate saan mang lugar nila gustong mag-operate ng mga pasugalan para makalikom ng tax ang pamahalaan ay makabilang kaya sa maging APOR ang mga kubrador ng Small Town-Lottery o STL-con jueteng? Abangan!
◘◘◘
IMBES NA IBIDA KUNG PAANO LALABANAN ANG DELTA VARIANT, PAG-OPERATE NG MGA PASUGALAN ANG IBINIBIDA—Dalawang araw matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) noong July 5, 2021 na nakapasok na ang COVID-10 Delta variant sa Pilipinas ay dumalo si P-Duterte sa pagtitipon ng PDP-Laban nuong July 7 at imbes na ibida rito kung paano lalabanan ng kanyang gobyerno ang deady virus, eh, ang ibinida sa harap ng mga trapo ay ang isyung binigyan na raw niya ng permiso ang mga gambling lords na magpasugal ng anumang pasugalan para may pandagdag-tax sa kanyang pamahalaan.
Imbes na mabahala ang kasapi ng PDP-Laban dahil pagmumulan ng hawa-hawa sa virus ang mga pasugalan kasi malalabag ng mga kubrador ang social distancing dahil magkakaroon sila ng close contact sa mga mananaya, eh, ang ginawa ng mga trapo ay nagpapalakpakan pa, mga buwisit!
◘◘◘
KAYA PALA DINEDMA NG HEAD NG METRO MANILA MAYORS ANG PAG-APRUB NI P-DUTERTE NA MAG-OPERATE ANG MGA PASULANAN, PABOR PALA SIYA SA STL-CON JUETENG—Sobrang nakakatakot ang Delta variant, at imbes na paliwanagan ni PDP-Laban member, Paranaque City Mayor Edwin Olivarez, bilang chairman ng Metro Manila Mayors League at representante ng mga mayor sa Kalakhang Maynila si P-Duterte na posibleng magkahawaan ng deadly virus ang mga kubrador at mananaya ay dinedma lang ito ng head ng mga alkalde sa Metro Manila.
'Yun pala, kaya dinedma ay pabor din siyang may pasugalan sa kanyang nasasakupan kasi sa ngayon ay start na operasyon ng STL-con jueteng sa Paranaque City, pwe!
◘◘◘
STL-CON JUETENG, ESSENTIAL SA PANAHON NG LOCKDOWN?—Nagpalabas ng direktiba ang Malacanang sa mga LGUs na sa panahon ng lockdown ay tanging mga negosyong mahahalaga o essential ang payagan lang mag-operate sa kanilang mga nasasakupan.
Kaya't sakaling payagan nina Paranaque City Mayor Olivarez, Manila Mayor Isko Moreno, Taguig City Mayor Lino Cayetano, Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnide, Pasay City Mayor Eli Calixto-Rubiano, Makati City Mayor Abby Binay at Las Pinas City Mayor Imelda Aguilar na makabilang sa mag-operate ang mga pasugalan, ay para na rin nilang sinabing essential ang STL-con jueteng sa kanilang jurisdiction, boom!





Comments