top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

'Pag negosyante, todo-welcome… DIWATA, MASUNGIT AT 'DI NGUMINGITI 'PAG 'DI SIKAT NA VLOGGER ANG DUMADALAW

Writer: BULGAR
BULGAR
May 21, 2024
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 21, 2024



Showbiz Photo
File photo: Diwata Pares Overload

Pasado kay Marvin Agustin ang lasa ng Pares Overload at "siken joy" (fried chicken) ni Diwata nang personal niyang puntahan at tikman ang dinudumog ngayon na Pares Overload sa Pasay. 


May ilang resto business na si Marvin at natikman na niya ang lahat ng klase ng pagkain. Maging sa mga sosyal na resto ay kinilatis na rin ni Marvin ang kalidad ng pagkain. 


Kaya na-curious siya kung ano'ng meron sa Pares Overload ni Diwata at bakit ito pinagkakaguluhan at dinadayo pa ng mga tao galing sa iba’t ibang probinsiya. 


Inikot ni Marvin Agustin ang kitchen area ni Diwata. Nakita niya kung paano tinitimpla ang sabaw at ang pagluluto ng "siken joy". 


So far, pumasa naman kay Marvin ang lasa ng Pares Overload at "siken joy" ni Diwata na patok sa masang Pinoy. Napakasimple lang naman ng Pares Overload ni Diwata, nagklik lang ito dahil sa kakaibang promo na may unli rice at sabaw na may kasama pang softdrinks sa halagang P100 lang. 


Ngayon ay marami na ang gumagaya sa Pares Overload ni Diwata. 


Samantala, may napapansin ang ilan sa pagbabago ng ugali ni Diwata. Kapag daw kasi ordinaryong vlogger lang ang pumupunta sa kanyang paresan, masungit ito at hindi man lang ngumingiti ‘pag may nagpapa-picture.


Pero, kapag mayayamang sponsors at negosyante raw na nagbibigay ng ayuda ang dumarating ay todo ang kanyang pag-welcome. 


Tsk! Sana naman ay hindi umakyat agad sa ulo ni Diwata ang kasikatan niya ngayon. Manatili siyang humble at maka-masa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page