‘Pag nakisali tayo sa isyu ng impeachment gamit ang Tagalog, tiyak masaya ang diskusyon!

ni Ka Ambo - @Bistado | December 12, 2020
Idinepensa agad sa “media” ng retiradong mahistrado si Associate Justice Mavic Leonen na ipinai-impeach ng isang grupo.
Kumbaga, sa Kamara kayo dumipensa!
◘◘◘
Sa ayaw o sa gusto ninyo, maaaring ma-impeach o masibak si Leonen sa simpleng boto ng mayorya ng mga kongresista sa simpleng kapritso.
Ang kapritso ay lehitimo sa impeachment process.
He-he-he!
◘◘◘
Kung totoo ang sinasabi ng dating mahistrado, dapat hindi nasibak si Renato Corona.
Entiendes?
◘◘◘
Kapritso ni ex-P-Noy ang pagkakapuwesto ni Leonen.
Ang napupuwesto sa kapritso, sa kapritso rin masisibak!
◘◘◘
Ano ang kapritso?
Lambing, opo lambing.
Ano ang lambing?
Landi.
Napuwesto siya dahil sa kalandian at masisibak din siya dahil sa kalandian.
Natuto kayo ng Tagalog, anoh?
Ho-ho-ho!
◘◘◘
Malalim na Tagalog ang “landi”, ito ay naglalarawan ng sitwasyon—ginamitan ng matinding emosyon pang-seksuwal.
Kapag emosyon, sinasabi ng mga saykologo—na hindi ito inisip na mabuti, bagkus ay nagdesisyon gamit lamang ang emosyon.
‘Yan ang aktuwal na tunay na kahulugan ng kapritso, lambing at landi!
◘◘◘
Babae lang ba ang lumalandi?
Hindi totoo ‘yan.
Kahit ang mga lalaki ay lumalandi rin.
At marami ang yumaman at napuwesto sa gobyerno, gamit ang “landian”.
Ibig sabihin, napuwesto sa gobyerno—hindi dahil sa kuwalipikasyon, bagkus ay gamit ang emosyon o relasyon sa appointing officer.
Ha-ha-ha!
◘◘◘
Sino ba ang naglandi?
Si ex-P-Noy ba o ang kanyang ipinuwesto?
Kapag sinabing ‘landian’, siyempre ay “dalawahan” ‘yan!
◘◘◘
Ang Tagalog ay may malalim na tala-salitaan.
Napipigil ang kanyang pag-unlad sapagkat iniiwasan ng mga “taga-MTRCB” na ipagamit ang aktuwal na kataga ng Tagalog kapag may kaugnayan sa “sex”.
Isang klase ito ng kamangmangan at diskriminasyon sa lenggguwahe!
◘◘◘
Kapag nakisali tayo sa isyu ng impeachment gamit ang Tagalog, tiyak na napakasaya ng diskusyon.
At siyempre, mas madaling mauunawaan ito ng mga taga “poverty line” ang isyu.
Ingles ‘yan, hanep!





Comments