'Pag naging pangulo si Manny… JINKEE, GUSTONG MAGTAYO NG MGA CR SA BUNDOK
ni Julie Bonifacio - @Winner | March 15, 2022

On the said interview ni Boy Abunda kay Jinkee Pacquiao and her daughters Queenie and Princess para sa YouTube content niya na pinamagatang The Interview of the Wives And Children of the 2022 Presidential candidates: Pacquiao, ang daming nag-react sa sinabi niya na “she’s a simple person.”
“Jinkee says 'she's a simple person' - my opinion, I don't see the simple person who always posts all her brand names material things on social media! She likes attention and that's not a simple person does!”
“If Jinkee thinks she's simple and humble, eh, pa'no na tayong sa Divisoria lang ang afford makabili ng mga gamit?! Hampaslupa pa din!"
“Wow simple daw si Madam pero hinihigitan niya si Heart Evangelista sa mga vlogs niya, ang mamahal ng bags at kitchen wares.”
Tinanong din ni Kuya Boy si Jinkee kung ano’ng role ang gagampanan niya bilang First Lady in case manalong presidente si Sen. Pacquiao.
Susuportahan daw niya ang lahat ng adhikain at plataporma ng kanyang asawa kapag nanalong presidente.
“Saka 'yung advocacy na nu’ng naging vice-governor (Saranggani, Mindanao) kasi ako, napuntahan ko ‘yung mga bunduk-bundok. Nakita ko ‘yung sitwasyon nila. So, gusto kong magkaroon ng programa ‘yung pamilyang malusog.
“Nagpapasalamat nga ako na naipasa ko ‘yung Zero Open Defecation Program, ‘yung bawal kang magdumi-dumi kung saan-saan kasi may pamilya na magkakasakit, mga bata. Pagdating sa bundok, wala silang CR, Tito Boy. Nakita ko na kailangan, may access sila sa sanitary toilet, ganyan. Magkaroon sila ng toilet bowl, saka, magkaroon ng CR ang buong pamilya. Magkaroon ng magandang environment ang buong pamilya, surroundings,” pahayag pa ni Jinkee.
Importante raw na hindi nagkakasakit ang mga bata dahil dagdag pa ‘yun sa expenses ng pamilya.
Samantala, marami rin ang humanga kay Kuya Boy sa interbyu niya kay Jinkee at sa mga daughters nito.
“I admire Boy. Despite the fact that Manny said something about the LGBTQs that offended a lot, he is still very objective and fair in this interview. Manny’s daughters are respectful, well-spoken and humble. Thank you, Boy.”
Abangan ang marami pang pasabog na interbyu ni Kuya Boy sa kanyang YouTube channel (na more than one million subscribers agad, hah?) sa natitira pang kapamilya ng mga tumatakbong kandidato, especially sa hanay ng presidential and vice-presidential aspirants ngayong nalalapit na halalan.





Comments