‘Pag masama ang loob… BEA, IBINULGAR ANG MGA ITINURO SA KANYA NI SUSAN
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 23, 2022

Nagbigay din ng huling respeto at pagpupugay kay Tita Susan si Bea Alonzo.
Nakatrabaho ni Bea ang veteran actress sa seryeng Sana Bukas Pa ang Kahapon in 2014.
“The entire industry is grieving and you will be missed, Tita Susan. You have taught me so much in a short time that we worked together,” pahayag ni Bea sa kanyang IG post.
Ikinuwento ng aktres ang isang payo ni Tita Susan sa kanya na hindi niya makakalimutan at hanggang ngayon ay ginagawa niya pa rin.
“Naaalala ko pa nu’ng sinabi mong kapag masama ang loob ko, isulat ko lang sa papel lahat ng galit ko, at sa isa pang papel, isulat ko naman ang mga bagay na ipinagpapasalamat ko, at bago pa man akong matapos magsulat, mawawala na ang galit ko. Hanggang ngayon, ginagawa ko pa rin po ito.
“Thank you so much for your wisdom, humility and generosity. You are loved, our queen. Rest in peace,” mensahe ni Bea.





Comments