top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

‘Pag maling kandidato ang naupo, malamang ‘di makakaahon sa epekto ng pandemya ang ‘Pinas

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 4, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 04, 2022



KAPAG MALING KANDIDATO ANG NAILUKLOK SA PODER, BAKA LAHAT NG BANSA AY NORMAL NA ANG PAMUMUHAY, PERO SA ‘PINAS, HINDI PA—Tutal, malapit naman na ang eleksiyon, sana ang ihalal ng mga kababayan natin ay mga kandidatong may malinaw na plataporma kung paano masusugpo agad ang pananalasa ng COVID-19 sa bansa upang mapaaga ang pagbabalik ng mga Pinoy sa normal na pamumuhay.


Kapag maling kandidato ang nailuklok sa poder ng mga botante, nakupo, baka lahat ng bansa ay back-to-normal na ang pamumuhay, pero sa ‘Pinas, hindi pa, boom!


◘◘◘


HINDI LANG SI ‘POBLACION GIRL’ GWENYTH CHUA ANG DAPAT I-BASH, KUNDI PATI ANG DUTERTE GOV’T.—Pinuputakti ngayon ng pamba-bash si Gwenyth Chua o si “Poblacion Girl” na pumuga sa quarantine facility ng hotel para dumalo sa party sa Makati City na kalauna’y nalamang positibo pala sa Omicron variant na nagdulot kaya maraming nahawaan ng virus sa party.


Sa isyung ito, hindi lang dapat si Gwenyth ang i-bash ng netizens, kundi pati ang Duterte gov’t. kasi dahil sa kapabayaan ng gobyerno, wala nang italagang bantay sa mga hotel na ginagawang quarantine facility ay nakapuga tuloy ang girl na may virus, nag-party-party at nakapanghawa ng COVID-19, period!


◘◘◘


MGA PASUGALAN SA BATANGAS, LAGUNA, CAVITE AT BAGUIO, IPATIGIL NA KASI KUNG HINDI, BAKA DUMAMI ANG COVID-19 CASES SA MGA LUGAR NA ‘YAN—Nag-start daw noong Bisperas ng Pasko ang operasyon ng color games at drop balls ni “Tessie” sa Batangas at Laguna; perya ng bayan ni “John Yap” sa Cavite at mini-casino ni “Patrick” sa Baguio City, at ang illegal gambling operations nilang ito ay patuloy pa rin dinudumog hanggang ngayon ng mga sugarol.


Dapat utusan agad ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos sina Batangas PNP Director. Col. Glicerio Cansilao; Laguna PNP Director Rogarth Campo; Cavite PNP Director Arnold Abad at Baguio City PNP Director, Col. Glenn Lonogan na hulihin agad ang mga gambling lords na ito para matigil ang kanilang illegal gambling operations kasi kung dededmahin lang ito ng kapulisan, baka dumami na naman ang COVID-19 cases sa mga lugar na ‘yan dahil dikit-dikit ang mga sugarol habang nagsusugal, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page