top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

'Pag kaharap daw, tiklop na… SIGAW NI DIREK PAUL: MGA BASHERS, MATAPANG LANG SA ONLINE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 6, 2022
  • 2 min read

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | December 6, 2022



At last, nakita rin namin in person si Direk Paul Soriano na hindi naka-black polo shirt at walang suot na cap!


Naka-barong at talaga namang kagalang-galang si Direk Paul nang humarap sa entertainment press kahapon sa ipinatawag na media presscon para maka-face-to-face niya ang mga press people matapos siyang italaga bilang Presidential Adviser on Creative Communications ng kanilang ninong sa kasal ni Toni Gonzaga na si Pangulong Bongbong Marcos.


Bukod dito, nag-promote na rin si Direk Paul ng entry ng TEN17 at TinCan Productions sa Metro Manila Film Festival, ang My Teacher na pagbibidahan nina Toni Gonzaga at Joey de Leon.


Sa Q&A, tinanong namin si Direk Paul kung hindi ba sila nagka-clash ni Toni dahil pareho silang matalino.


Pag-amin niya, "Toni and I are very different. We clash all the time, 100 percent, but that's what makes the marriage work."



Of course, may kani-kanya raw silang opinyon at paniniwala, pero dahil mag-asawa nga sila, siyempre, nangingibabaw pa rin ang pang-unawa sa isa't isa.


Proud siyang 7 yrs. na silang kasal at kahit nagtatalo sila, at the end of the day, mas pinipili nila ang mahalin ang isa't isa.


Sabi namin kay Direk Paul, puring-puri siya ni Toni nu'ng huling presscon nito para sa I Am…


Toni na marami raw natutunan sa kanya ang misis.


Sagot naman ni Direk Paul, si Toni raw ang "most powerful celebrity" ngayon at isa sa mga strongest women na nakilala niya dahil kahit anong pamba-bash daw kay Toni, "She's not stopping," dagdag niya.


And speaking of bashing, hindi iniisip ni Direk Paul na ang pagiging close nila ni Toni kay PBBM ang isa sa mga dahilan kung bakit sila bina-bash. Noon pa naman daw kasi, bago pa nila ikinampanya si PBBM ay naba-bash na si Toni dahil sa ilang desisyon sa buhay at career na ginawa nito.


Takang-taka nga raw si Direk Paul kung bakit sa lahat ng mga supporters ni PBBM, sila lang ang paboritong i-bash ng mga netizens.


Pero hanggang sa online lang naman daw matatapang at nagto-todo-effort ang mga bashers nila, 'pag kaharap naman na raw nila, tumitiklop na ang mga ito at binabati pa sila na parang wala lang.


Aminado rin si Direk Paul na maraming challenges sa kanyang posisyon ngayon bilang presidential adviser ng pangulo at nakikinig din daw siya sa mga advise ng iba dahil bagong mundo nga itong pinasok niya at ibang-iba sa ginagawa niyang mga pelikula.



Pero kahit nasa gobyerno na, hindi pa rin naman iniiwanan ni Direk Paul ang paggawa ng pelikula at in fact, ayan nga, may entry sila sa MMFF, ang My Teacher.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page