top of page

Pag-inom ng malamig na tubig o pagkain ng yelo, epektib na pantanggal ng singaw

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 9, 2020
  • 1 min read

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | July 9, 2020



Dear Doc. Shane,


Nitong mga nakaraang linggo ay palagi akong nagkakaroon ng singaw lalo na sa dila, kaya hirap talaga ako sa pagkain. Ano ba ang dahilan nito at paano ito mawawala?


– Paul Jayson


Sagot


Ang singaw, mouth sore o canker sore ay mas kilala sa medikal na tawag na apthous stomatitis o aphtous ulcer. Ayon sa datos, 30% ng mga tao ay nagkakaroon ng singaw. Sa kondisyong ito, ang anumang bahagi ng bibig, tulad ng likod ng labi, likod ng pisngi o dila ay tinutubuan ng tila bilog na sugat. Ito ay karaniwang puti at masakit o mahapdi sa pakiramdam lalo na kapag umiinom o kumakain.


Narito ang karaniwang sanhi ng singaw:

  • Aksidenteng pagkakagat ng labi, pisngi o dila

  • Pagkakapaso ng bibig

  • Pagkatusok sa bibig ng matutulis na bagay tulad ng brace, retainer o pustiso

  • Pagsesepilyo nang madiin

  • Sobrang paninigarilyo

  • Mahinang resistensiya ng katawan

  • Hormonal changes

  • Vitamin deficiency


Home remedy:

  • Pagmumumog ng tubig na may asin

  • Paggamit o pagpahid ng baking soda sa apektadong bahagi

  • Pag-inom ng malamig na tubig o pagkain ng yelo

  • Samantala, maaaring magreseta ang doktor ng mga topical ointment, pain medication, anti-inflammatory drug at nutritional supplement.


Paraan upang makaiwas:

  • Iwasan ang labis na pagkonsumo sa maaanghang, matatamis, maaalat, maaasim at matitigas na mga pagkain.

  • Kumain ng mga prutas at gulay na mayaman sa Vitamin B6, B12, zinc at folic acid.

  • Magsepilyo ng dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw upang hindi maipon ang bakterya sa bibig.

  • Gumamit ng orthodontic wax upang hindi makiskis ng brace, retainer o pustiso ang bibig.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page