Pinalabas daw silang mga bobo… CUP OF JOE, IPINABOBOYKOT SA DAVAO, BABATUHIN NG DURIAN NG MGA DDS
- BULGAR

- 5 hours ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 18, 2026

Photo: FB Cup of Joe
Totohanin kaya ng mga na-offend na DDS (diehard Duterte supporters) sa Davao City ang banta nila na sa concert ng Cup of Joe (COJ) sa Davao City sa May 30 ay ibu-boo nila ang banda?
May nagbanta pa na babatuhin ng kamatis ang banda na kalaunan ay pinalitan ng durian.
Hindi nagustuhan ng mga DDS ang biro ng vocalist ng COJ na si Gian Bernardino bilang sagot sa tanong sa isang interview kung sino sa kanila ang hahabulin ng zombie kapag nagkaroon ng zombie apocalypse.
Ang alam natin, utak ng tao ang favorite kainin ng mga zombie.
Sa Facebook (FB) page ni Gian, ipinost nito ang photos nila ng COJ sa nasabing interview at may caption siyang “Suwerte ng mga DDS kung sakali.”
Inalmahan ito ng mga DDS dahil ang feeling nila, pinalalabas ni Gian na mga bobo sila.
Kaya ayun, na-bash si Gian at nanawagan ang mga DDS sa SMX Convention Center Davao na i-cancel ang concert. Wala raw manonood dahil ibo-boycott nila ang concert at kahit ang mga nakabili na ng tiket ay hindi na manonood.
Dapat daw alam ng COJ na balwarte ng DDS ang Davao at mahal ng mga taga-Davao ang mga Duterte para sa ganu’ng biro.
“I-cancel n’yo ang concert kung ayaw n’yong magkabatuhan ng durian,” sabi ng isang nagalit.
Hindi na lang daw kamatis ang ibabato nila sa COJ, durian na.
Ang bigat ng durian, ha, paano nila ibabato ‘yun?
May nagbanta pa na sasampalin niya ng kanyang diploma at lisensiya si Gian.
Kung marami ang nagalit, lalo na kay Gian, marami naman ang nagtanggol sa kanya. Nagbibiro lang daw ito at pinagaan lang ang kaguluhang nangyayari sa ating bansa.
Bago ang May 30 concert sa Davao, sa Philippine Sports Stadium muna magko-concert ang COJ sa May 23, 2026. Almost sold-out na ang tiket sa Sandali: The Cup of Joe Fest kung saan guests nila ang Kamikazee at sina Bamboo at Ely Buendia. Rakrakan ito at masaya!
Buking, hindi si Eman ang BF…
JILLIAN, SI KOBIE BROWN ANG KA-DATE AT KA-HOLDING HANDS SA CONCERT NI JESSICA
HINDI magdyowa sina Jillian Ward at Eman Bacosa Pacquiao. Hindi rin yata nanliligaw si Eman sa aktres kahit inaming crush niya ito.
Kaya parang walang rason na magalit ang mga fans sa aktres nang lumabas ang balita at photos na ka-date ni Jillian sa concert ni Jessica Sanchez si Kobie Brown.
Lalo pang umalma ang mga shippers nina Jillian at Eman dahil sa isang picture, parang nagho-holding hands sina Jillian at Kobie.
Walang masama rito at baka inalalayan lang ng binata ang aktres dahil maraming tao sa Smart Araneta Coliseum.
Si Kobie ay former Star Magic talent na lumipat sa Sparkle at inisip ng mga fans na kaya ito lumipat ay dahil kay Jillian. Gusto raw nitong mapalapit sa young actress at gusto rin itong makatrabaho, na walang masama.
In fact, walang masama kung gawing love team ang dalawa dahil bagay sila.
Kaya lang, sabi ng mga fans nina Jillian at Eman, bagong lipat pa lang sa GMA si Kobie, pumapel na agad at heto nga, naka-date na si Jillian.
Baka sa susunod na series ni Jillian, si Kobie na ang leading man niya. Ang next project ng aktres ay ang Behind Closed Doors (BCD) ni Marian Rivera. Hindi na kasi umabot si Kobie Brown sa Never Say Die (NSD) dahil last week na nito ngayon.
At least, si Eman Bacosa Pacquiao, nakapag-guest pa.
SA caption ni Grace Tanfelix na “Ang ganda ng bisita ko,” ang tinukoy ay ang GF ng anak na si Miguel Tanfelix na si Ysabel Ortega.
Natuwa ang mga fans nina Miguel at Ysabel na malamang close si Ysabel sa mom ng boyfriend at welcome siyang bumisita sa bahay ng aktor.
Para nga raw sina Grace at Ysabel ang mag-ina dahil sila ang magkamukha.
Game rin sila na mag-TikTok (TT), kasama siyempre si Miguel.
Ang ikinagulat ng mga fans, mahusay sumayaw ang mom ni Miguel. Ibig sabihin, hindi lang sa pagluluto siya magaling.
Samantala, sa May 25, 8:55 PM, na ang world premiere ng Task Force Firewall (TFF), ang bagong action series ng GMA Network na isa si Miguel sa main cast.
Sumabak na sa action si Miguel at sa ipinakita niya sa cameo niya sa The Master Cutter (TMC) at para kay Dingdong Dantes, hinog na siya para mag-shift sa action.





Comments