top of page

Pag-IBIG Fund naglabas ng record-high na P40.41-B home loan

  • BULGAR
  • Jul 6, 2022
  • 2 min read

ni Fely Ng - @Bulgarific | July 6, 2022


ree

Hello, Bulgarians! Muling nalampasan ng Pag-IBIG Fund ang nakaraang rekord sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mahigit P40 bilyon na home loan sa unang limang buwan ng 2022, inihayag ng mga matataas na opisyal, kamakailan.


Mula Enero hanggang Mayo, naglabas ang ahensya ng home loan na nagkahahalaga ng P40.41 bilyon, ang pinakamataas na halagang inilabas sa unang limang buwan sa kasaysayan nito. Kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, ang halagang ibinayad sa ngayon ay lumago ng 15% mula sa P35.28 bilyon na inilabas sa parehong panahon noong 2021.


“Pag-IBIG has once again set a new record in the amount of home loan releases to begin the first five months of the year. We are happy that the number of Filipino workers who are able to become homeowners through the Pag-IBIG home loan programs continue to grow. Our consistent performance also indicates that the home loan policies we have set in place have been effective, and we expect that these would continue to enable even more Filipino workers to have decent and affordable homes in safe, sustainable and resilient communities,” pahayag ni Secretary Eduardo D. del Rosario, namumuno sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at sa 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.


Samantala, sinabi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti na ang halagang inilabas noong Mayo ay tumustos sa pagkuha at pagpapatayo ng 36,865 na bahay para sa mga miyembro ng Pag-IBIG Fund, 5% na mas mataas kaysa sa 34,979 na pinondohan sa parehong panahon noong nakaraang taon.


Idinagdag niya na mula sa kabuuang bilang ng mga bahay na tinustusan, 6,787 o 18% ay mga socialized housing unit na ngayon ay pag-aari ng mga minimum-wage at low-income worker.


“Last year, we surpassed the P100-billion peso level in home loan releases, a feat we previously thought was impossible. This year, with our record-high home loan releases from January to May, we are optimistic that Pag-IBIG Fund is well on its way to yet another banner year. Should the current trend hold, we expect to release at least P105 billion pesos in home loans by year's end. I am confident that our outstanding performance on the home loan front will be sustained, especially under the leadership of our Deputy CEO for Home Lending Marilene C. Acosta, who has been instrumental in our record-breaking performance in home loan releases since 2017”, pahayag ni Moti.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page