Pag-IBIG Fund naglaan ng P5-B SA Calamity Loan para matulungan ang mga miyembro na tinamaan ng
- BULGAR
- Dec 29, 2021
- 2 min read
Odette
ni Fely Ng - @Bulgarific | December 29, 2021

Hello, Bulgarians! Sa ilalim ng Pag-IBIG Calamity Loan Program, ang mga kuwalipikadong miyembro ay maaaring humiram ng hanggang 80% ng kanilang kabuuang Pag-IBIG Savings, na binubuo ng kanilang buwanang kontribusyon, counterpart employer’s contribution, at mga naipon at kinitang dibidendo. Bilang pagsasaalang-alang sa kalagayan ng mga miyembro, ang Calamity Loan ay inaalok sa rate na 5.95% kada taon na siyang pinakamababang rate sa merkado. Ang loan ay babayaran sa loob ng hanggang tatlong taon, na may palugit na dalawang buwan upang ang paunang pagbabayad, dapat bayaran lamang sa ikatlong buwan pagkatapos mailabas ang loan.
Maaaring mag-apply ang mga kuwalipikadong borrower para sa Calamity Loan sa loob ng 90-araw mula sa petsa kung kailan idineklara ang lugar sa ilalim ng state of calamity.
“In times like these, Pag-IBIG Fund is always ready to help members through our Calamity Loan Program. That is why the Pag-IBIG Board has allocated a calamity loan fund of P5 billion as aid for our members in Visayas and Mindanao to help them recover from the devastation caused by typhoon Odette,” ani Secretary Eduardo D. del Rosario, na namumuno sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at ang 11- member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.
Samantala, idinagdag ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti na nitong Nobyembre ng taong ito, mahigit P1.15 bilyon ang Calamity Loan na inilabas ng ahensiya para matulungan ang 76,521 miyembro sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad. Idinagdag din niya na ang programa ay ginawang mas abot-kaya dahil ang mga nangungutang ay mayroon na ngayong opsyon na pumili ng 3-taong termino upang mabawasan ang buwanang pagbabayad ng hanggang 31%. Ibig sabihin, para sa Calamity Loan na nagkakahalaga ng P20, 000, ang buwanang bayad ay ibabawas mula P897.23 hanggang P615.72 lamang.
“Members in affected areas who have access to internet service and have a Pag-IBIG Loyalty Card Plus, Land Bank of the Philippines or United Coconut Planters’ Bank (UCPB) cash card, may file their Calamity Loan applications online via Virtual Pag-IBIG. This would allow them to file and receive their loans safer and faster, so that they can continue to tend to the needs of their families as they recover from the effects of the typhoon. And, even while our own offices and personnel in typhoon-hit areas have also been affected, our branches are open and ready to receive loan applications. Your Lingkod Pag-IBIG is committed to deliver service that matters, always and in all ways,” pahayag ni Moti.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.




Comments