top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

'Pag healthy ang mamamayan, malusog din ang ekonomiya

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 19, 2021
2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | December 19, 2021



Ngayong holiday season ay pihadong mapapakain na naman tayo sa dami ng ihahanda — mapa sa ating mga hapag-kainan man o kaya naman ay sa mga limitadong party na ating dadaluhan.


Ngunit hindi lahat ng ating kakainin ay masustansiya.


Mayroong kasing ingredient ang ilang pagkain na tinatawag na trans-fatty acids (TFAs), o trans-fat. Ayon sa Mayo Clinic, ito ay makikita sa ilang mga pagkain, kasama na ang pinirito, processed, at fast food.


Ilang halimbawa nito ay baked goods tulad ng cake; microwave popcorn; frozen pizza; mga pritong pagkain tulad ng French fries, fried chicken, at doughnuts at non-dairy coffee creamer.


Pinatataas ng trans-fat ang low density cholesterol o LDL sa ating katawan, na maaaring maging sanhi ng pagbara ng ating mga ugat, na maaaring magdulot naman ng iba’t ibang kondisyon tulad ng heart attack o stroke.


☻☻☻


Upang mapangalagaan ang ating kalusugan ay naghain tayo ng panukalang-batas, ang Senate Bill number 1916, na naglalayong unti-unting matanggal ang TFAs sa ating food supply.


Kasama na ang pagbabawal sa manufacturing, importation, distribution at pagbenta ng partially hydrogenated oil at oils at fats na may mataas na TFA content.


Ipagbabawal din ang manufacturing, importation, distribution at pagbenta ng processed at prepackaged food na may sangkap na partially hydrogenated oil at oils at fats na may mataas na TFA content.


Magkakaroon naman ng trainings at seminars ang food business operators at food service establishments para sa reformulation ng food products, at sa paggamit ng alternatibong oils.


☻☻☻


Nanawagan na rin ang World Health Organization (WHO) upang matanggal ang industrially produced trans-fat pagdating ng 2023.


Isa ang Pilipinas sa mga binanggit ng WHO na mga bansa na unang nagpasa ng “best-practice trans-fat elimination policies” sa report na inilabas nito, kamakailan.


Ang ating Department of Health naman ay ipinasa ang Administrative Order 2021-0039 na nagse-set ng pambansang polisiya para sa eliminasyon ng trans-fat sa ating bansa.


☻☻☻


Paalala, na bukod sa pag-eehersisyo at pag-iwas sa alkohol at paninigarilyo, ang eliminasyon ng trans-fat sa ating mga pagkain ay maaaring makapagsalba ng mga buhay at maiiwasan ang pangmatagalang healthcare dulot ng mga kondisyon tulad ng heart attack.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page