top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

'Pag happy, happy din sila… IBINUKING NI KIM: 'PAG PROBLEMADO SI VICE, DAMAY LAHAT

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 2, 2022
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 2, 2022




Okay na okay na sina Karylle at Vice Ganda ngayon matapos magkaroon ng misunderstanding few years ago.


Sa It’s Showtime last Thursday ay nagbigay si Karylle ng birthday message for Vice at dito ay sinabi niyang biggest blessing sa kanya this year na naayos na nila ang hindi nila pagkakaintindihan noon.


“Unti-unting naliwanagan tayo, so, thank you, Lord, for that big, big blessing,” sabi ni Karylle.

“This year, napag-usapan namin, ‘Bakit ‘yun nangyari?’” sey naman ni Vice.


“Alam ko in my heart, wala namang problema, eh,” ani Karylle.


Sabi naman ni Vice, “Ilang years naming iniisip, bakit ‘yun nangyari sa amin ni Karylle. ‘Yung ganu’n. ‘Yun pala, hindi kami…”


Pag-ayon naman ni Karylle, “May something. So, grabe ‘yung naramdaman ko nang na-lift ‘yun. Thank you, Lord.”


Pagkatapos nu’n ay nagyakapan na sila. Ani Vice, mas mahal na mahal nila ni Karylle ang isa’t isa ngayon.


Matatandaang taong 2014 nang magsimulang magkaroon ng tampuhan sina Karylle at Vice Ganda dahil sa victory party ng pelikula ng huli na hindi nadaluhan ng una.


When it was Kim Chiu’s turn, hindi naman napigilan ng aktres na maging emosyonal bilang iyakin talaga siya.


“I’m very lucky to know you deeply. Totoo ‘to, ha? Hindi ito joke,” simulang mensahe ni Kim kay Vice.


“Sobrang suwerte ko na nakilala kita. Everyday na pumapasok ako dito,” at nagsimula na siyang mapaiyak.


“Sobrang suwerte ko kasi, alam ko, pamilya na kayo dito, tapos naintindihan ko na ‘yung sinasabi nila na ‘Si Vice kasi, ‘pag masaya, masaya lahat. Si Vice, ‘pag may problema, parang down lahat.' You are our strength dito. Kaya kapag nakikita ka naming happy, sobrang happy namin,” she said.


Humingi rin ng dispensa si Kim kung marami man siyang mga kiyeme minsan.

“Pasensiya ka na minsan sa mga ano ko, sa mga kiyeme ko. Pero I love you so much,” sabi pa ni Kim na napapaiyak pa rin.


Sabi naman ni Vice, “Alam mo, ‘wag kang mag-alala kasi lahat naman tayo dito, may kani-kanyang kiyeme. May kani-kanya tayong amats. Alam mo ‘yun, it’s just a matter of understanding, of finding a way to understand each other.


“Bago ka pa dumating, kani-kanya kaming amats dito. At hindi madali na swak agad, imposible ‘yun. Unti-unting nag-jell, naging perfect, naging advantage, naging strength ‘yung pagkakaiba-iba.”


Papuri pa ni Vice kay Kim, nagsisilbi ring inspirasyon sa kanilang lahat ang katapangan ng aktres.


“Ang daming nangyayari sa kanya pero ang tapang-tapang niya. Ang liit-liit niyang babae, ang payat-payat niya, pero ang tapang-tapang niya,” paglalarawan ni Vice kay Kim.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page