Pag-epal ni Roque sa “Run Rara Run”, labag sa batas
- BULGAR
- Jun 21, 2021
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 21, 2021
“RUN SARA RUN”, TABLADO SA MAJORITY PINOYS—Kapuna-puna na mas marami sa mga netizens ang nag-“ha-ha” react kaysa “like” o “heart” kapag may nagpo-post sa social media tungkol sa “Run Sara Run” o pangungumbinsi ng mga trapo (traditonal politician) na kumandidatong pangulo si presidential daughter, Mayor Sara Duterte-Carpio.
Dahil d’yan, lumalabas na tablado sa majority Pinoys ang “Run Sara Run” o ayaw nilang maging next president ang presidential daughter, period!
◘◘◘
MAS TYPE NG LOYALISTA AT DDS SI BONGBONG MARCOS KAYSA KAY MAYOR SARA—Sa social media, magkakampi ang mga loyalista at DDS, at kung pagbabasehan ang kanilang comments at reactions ay mas gusto nilang si former Sen. Bongbong Marcos ang kumandidatong pangulo kaysa kay Mayor Sara.
Para sa mga loyalista at DDS, mas patok ang Bongbong-Sara tandem kaysa sa Sara-Bongbong tandem sa halalan 2022, boom!
◘◘◘
LABAG SA BATAS ANG PAG-EPAL NI ROQUE SA “RUN SARA RUN”—Noong June 10, 2021 ay nagtungo si Presidential spokesman Harry Roque para ikampanya ang “Run Sara Run” at nitong June 18, 2021 ay nasa Pangasinan naman siya para ikampanya rin ang kandidatura sa pagka-pangulo ni Mayor Sara.
Ang madalas na pag-epal ni Roque sa “Run Sara Run” ay labag sa batas kasi labas na sa kanyang trabaho ang ginagawa niyang ito dahil ang trabaho niya sa pamahalaan ay spokesman ng pangulo at hindi para ikampanya si Mayor Sara.
Nakasaad sa alituntunin ng Civil Service Commission (CSC) na ang mga taong-gobyerno na tulad ng presidential spokesman ay dapat palaging nasa tamang lugar, pagkilos, pagtugon sa kanilang tungkulin, patas at walang bahid pulitika ang pagseserbisyo sa mamamayan, period!
◘◘◘
KUNG NAIS I-CAREER NI ROQUE PAGIGING CAMPAIGN MANAGER NI MAYOR SARA, MAG-RESIGN NA SIYA BILANG PRESIDENTIAL SPOKESMAN—Kung nais talaga ni Roque na i-career ang pagiging campaign manager ni Mayor Sara sa 2022 presidential election, dapat mag-resign na siya bilang presidential spokesman.
Sinusuwelduhan siya ng taumbayan bilang presidential spokesman at hindi bilang campaign manager ng presidential daughter, boom!





Comments