top of page
Pokwang.jpg

‘Pag ‘di lumabas ang mga tao, patay talaga ang ekonomiya

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 2, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | February 2, 2021



Marami na ang nagsaradong opisina, pabrika at kompanya noong 2020.


Mas dumarami pa ngayon!


◘◘◘


Noong 2020, umaasa na gaganda ang ekonomiya noong Disyembre pero hindi naganap.


Pag-asa lang ang nagpagana sa kilos ng tao!


◘◘◘


Ang pagkilos ng tao ay kakambal ng ekonomiya.


Kapag hindi gumalaw o lumabas ang tao sa kalye—walang kilos ang ekonomiya.


Malinaw na malinaw ‘yan!


◘◘◘


Magkasalungat ang lumalabas na pahayag mula sa mga awtoridad.


Hinihimok ng gobyerno na huwag nang lumabas ang mga tao—at nagagalit pa ang mga ito sa mga pagtitipun-tipon.


Pwes, bakit ka aasa na makarerekober pa ang ekonomiya sa ganyang diskarte?


◘◘◘


Gustong palabasin ng gobyerno na makarerekober ang ekonomiya kahit hindi lumalabas ng bahay ang mayorya ng populasyon.


Malaking kahangalan!


◘◘◘


Hindi dapat ipagbawal ang paglabas ng tao, dahil ‘yan mismo ang susi sa pagrekober ng ekonomiya.


Hindi ito maunawaan ng mga kolokoy sa gobyerno!


◘◘◘


Hindi ipinagbabawal ang lumabas ng bahay, ang bawal ay ang hindi pagsunod sa protocol.


Paano susunod sa protocol ang ordinaryong tao kung ang itinatalaga ni P-Digong na opisyal ay aminado at kumpirmadong lumalabag mismo sa protocol!


◘◘◘


Bakit nagka-COVID ang ilang mga pulis?


Siyempre, dahil sila mismo ay lumalabag sa protocol.


Akala nila ay exempted sila sa batas, ang hindi nila alam—hindi “batas” ang isyu, kundi ang virus!


◘◘◘


Hindi ganap na nauunawaan mismo ng gobyerno ang mga nagaganap.


Ang dapat tiyakin na susunod sa protocol ang lahat—inuulit ko: Hindi bawal ang lumabas ng bahay!


◘◘◘


Dapat himukin ng gobyerno ang mga tao na gumala at maghanap ng ikabubuhay—‘yan ang susi sa pagrekober ng ekonomiya.


Pero, kasabay niyan—higpitan ang pagbabantay sa kalye upang masunod ang protocol.


Ang problema, ayaw sundin mismo ng nagpapatupad ng batas ang sarili nilang protocol.


Matatagalan pa ang krisis—walang direksiyon ang paglutas ng problema!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page