top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pag-block sa mobile numbers na sangkot sa scam, dapat lang!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 1, 2021
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | December 01, 2021



Libu-libong mobile numbers ang na-block ng ilang telco companies.


Ito ay dahil ang mga naturang mobile numbers ay konektado sa mga digital pyramiding schemes na talamak ngayon sa bansa.


Base sa datos, 19,000 mobile numbers ang na-block, habang nasa 5,693 naman ang bilang ng mga user access sa mga online websites na may koneksiyon sa makabagong modus ng panloloko na binuo ng global syndicate. Mahigit 100 domains naman ang natuklasang sangkot sa pagpapakalat ng SMS spam modus.


Nag-ugat ang pag-block ng mobile numbers at IP address ng telco companies dahil sa biglang pagtaas ng bilang ng mga kumakalat na spam messages. Gayundin, napag-alamang nagmula ito sa mga rehistradong users sa online messaging platform na WhatsApp.


Samantala, upang mapigilan ang pagkalat ng scam, pinag-uulat na ng National Privacy Commission (NPC) ang mga data protection officers ng telco companies, online shopping applications at mga bangko kaugnay sa kanilang plano para maagapan ang ganitong klase ng modus sa bansa.


Matatandang, kamakailan ay nagsimula ang pagkalat ng spam text messages mula sa mga unknown numbers na nag-aalok ng trabaho na may malaking kita. Bagay na nakababahala dahil tila sinasamantala ng mga ito ang kawalan ng trabaho ng marami nating kababayan dahil sa pandemya. Kaya naman, dapat mapigilan ang ganitong uri ng scam sa lalong madaling panahon.


‘Ika nga, masyado nang maraming problema ang dala ng pandemya sa mamamayan, hindi na ito dapat madagdagan pa.


Kaya pakiusap sa mga kinauukulan, bilisan ang pag-aksiyon dahil malamang ay marami pang scammer na patuloy na nakakapambiktima.


Hiling din natin ang kooperasyon ng mga nabanggit na kompanya nang sa gayun ay wala nang mabiktima pa.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page