top of page

Pag-atake sa Lebanon, peacekeeper utas, 3 pa sugatan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 2 min read

ni Jenny Rose Albason @World News | April 20, 2026



Patay ang isang French peacekeeper at tatlo pa ang sugatan matapos ang pag-atake sa southern Lebanon.



Ang mga biktima ay bahagi ng United Nations Interim Force in Lebanon (UNIFIL) nang mangyari ang insidente. (AFP-Mahmoud Zayyat

Photo: AFP-Mahmoud Zayyat



Patay ang isang French peacekeeper at tatlo pa ang sugatan matapos ang pag-atake sa southern Lebanon.


Ang mga biktima ay bahagi ng United Nations Interim Force in Lebanon (UNIFIL) nang mangyari ang insidente. Dalawa sa mga sugatan ay nagtamo ng malubhang pinsala.


Isinisi ni French President Emmanuel Macron ang pag-atake sa Hezbollah, at nanawagan sa gobyerno ng Lebanon na agarang tukuyin at arestuhin ang mga nasa likod nito.


Ang insidente ay naganap sa gitna ng panandaliang 10-araw na ceasefire sa pagitan ng Lebanon at Israel na nagsimula noong Abril 16, na naglalayong pansamantalang mapahupa ang tensyon sa rehiyon.





Lalaki namaril sa kalsada, nang-hostage sa supermarket, 6 todas



HINDI bababa sa anim na katao ang nasawi at ilang iba pa ang nasugatan matapos magpaputok ang isang lalaki at mang-hostage sa lungsod ng Kyiv sa Ukraine nitong Sabado.


Ayon kay Interior Minister Ihor Klymenko, naganap ang insidente sa Holosiivskyi district sa timog ng kabisera. Ang suspek, na residente sa lugar, ay una umanong namaril sa mga tao sa kalsada bago pumasok sa isang supermarket at doon kumuha ng mga bihag.


Sinabi ni Klymenko na napatay ang suspek sa loob ng supermarket matapos ang engkwentro sa pulisya. Sa ngayon, wala pang malinaw na motibo sa krimen.


Ayon kay Pangulong Volodymyr Zelensky, umabot sa 14 ang nasugatan sa insidente, kabilang ang isang 12-anyos na bata. Apat ang nasawi sa kalsada, isa pang babae na tinatayang nasa edad 30 ang namatay sa ospital, at isa sa mga hostage ang pinatay ng suspek.


Nabatid na nakipag-negosasyon ang pulisya sa suspek sa loob ng humigit-kumulang 40 minuto, ngunit hindi ito nagbigay ng anumang kahilingan. Dahil sa patuloy na panganib at pagkamatay ng isa sa mga bihag, nagdesisyon ang mga otoridad na tapusin ang operasyon at neutralisahin ang banta. Apat na hostage ang nailigtas.


Kinilala ng Prosecutor General Ruslan Kravchenko ang suspek bilang isang 58-anyos na lalaki mula Moscow, Russia, na gumamit ng rehistradong awtomatikong baril. Kasalukuyang iniimbestigahan ang pinagmulan ng lisensya ng armas at iba pang detalye ng insidente.


Ayon kay Zelensky, matagal nang naninirahan ang suspek sa Donetsk region, na nasa ilalim ng kontrol ng mga separatista bago ang malawakang pagsalakay ng Russia. Bago ang pamamaril, sinasabing sinunog pa ng lalaki ang kanyang sariling apartment.

Bagama’t madalas na target ng mga pag-atake ang Kyiv dahil sa nagpapatuloy na digmaan sa Russia, bihira ang ganitong uri ng pamamaril at hostage-taking sa lungsod.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page