‘Pag artista raw, pinapansin agad… ALDEN, NAG-POST SA SOCMED NG NASIRANG BIKE, SINAGOT NG CATHAY PACIFIC
- BULGAR

- Jun 25
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | June 25, 2025
Photo: Alden Richards - IG
“Sakses” ang shoutout sa social media ni Alden Richards sa Cathay Pacific dahil sa damage sa kanyang Colnago bike.
Sumagot ang airline sa pagko-call out sa kanila ng aktor at sa panawagan nito na, “Please do something about this,” at ipinakita ang damaged part ng bike.
Sagot ng Cathay Pacific kay Alden, “Thank you for contacting us, Mr. Richards. We are really sorry to hear about what has happened and appreciate you bringing it to our attention.”
Sinundan ‘yun ng “Please be assured that your concerns are taken seriously. If this incident has already been reported at the airport, kindly refer to your email for our response.”
Hindi lang si Alden ang nag-call out sa Cathay Pacific, pati ang mga fans ng aktor, at nakabantay sila sa update at sa gagawin ng airline sa nasirang mamahaling Colnago bike ni Alden.
Araw-araw daw nilang kakalampagin ang Cathay Pacific hanggang hindi naaaksiyunan ang reklamo ni Alden. Dapat daw bayaran ng airline si Alden.
May mga nag-comment naman na dapat hindi sa social media nagreklamo si Alden dahil masisira raw ang Cathay Pacific. Mas marami lang ang nag-agree sa ginawa ng aktor dahil kung hindi siya nag-post, hindi magiging mabilis ang sagot ng airline.
May mga nag-comment pa na kapag celebrity ang nagreklamo, ang bilis ng aksiyon, pero ‘pag ordinaryong mamamayan ang nagreklamo, hindi pinapansin. Kung pansinin man, matagal ang aksiyon. Kaya agree sila sa ginawa ni Alden na sa socmed nag-shoutout at nagsumbong.
ANG CharEs nina Charlie Fleming at Esnyr ang first official duo na nakapasok sa Big Four ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition, bagay na ipinagdiwang ng kanilang mga supporters.
Deserving daw ang dalawa na mapabilang sa Big 4 at kahit manalo, deserving sila. Sila ang ibinoto ng Duo Challengers at Final Duos.
Naalala pa ng mga fans ng PBB ang usapan nina Charlie at Esnyr.
Sabi ni Esnyr, “Wala tayong family na handang magbagsak ng 1 million for us,” na sinagot ni Charlie ng “Gets ko ‘yan.” Sumagot uli si Esnyr ng “Heto na lang talaga ‘yung miracle.”
Nasundan ‘yun ng sinabi ni Esnyr na, “Hindi ko alam if may gagastos ba sa atin as much as they do... alam mo ‘yung parang kung money usapan, wala na talaga ako d’yan.”
Sumagot si Charlie ng “Same. Lugi tayo d’yan.”
Well, tinulungan ang CharEs Duo ng Duo Challengers at Final Duos, mga evicted na kasama nila sa PBB, na mapasama sa Big 4.
Nasa suporta na ng kanilang supporters kung iboboto sila para manalong duo sa final night ng PBB.
Pagkatapos pa lang ng Monday episode ng PBB, nagsimula nang mangampanya ang mga supporters nila. Gusto nilang manalo at tulungan ang dalawa para na rin sa kani-kanyang pamilya.
Si Charlie, 16 years old, ay breadwinner mula nang maghiwalay ang parents. Si Esnyr, nabanggit na may utang ang kanyang pamilya na gusto niyang bayaran.
Malaking bagay ang mapapanalunan nilang P1 million each kapag sila ang itinanghal na Big Winner Duo. Saka, win or lose, the mere fact na galing sila sa PBB, tutulungan ng Sparkle at GMA Artist sina Charlie at Esnyr at maging ng ABS-CBN para mas sumigla ang career nila at magkaroon ng more projects.
HANDA nang umiyak ang mga nakapanood ng teaser ng Star Cinema movie na Meet, Greet & Bye (MGB). Kahit voice over pa lang ni Maricel Soriano ang naririnig at boses nina Joshua Garcia, JK Labajo, Belle Mariano at Piolo Pascual na tumatawag ng “Mama” o “Ma,” may kirot na raw sa puso.
Bukod sa voice over, old and younger photos ng cast ang makikita sa teaser. Pero sapat na ‘yun para maantig ang puso ng mga netizens.
Kaya kahit “soon” at wala pang exact date na binanggit sa playdate ng movie ni Director Cathy Garcia-Sampana, nagkaisa na ang mga fans na manonood sila ng movie.
Maghahanda rin daw sila ng tissue at panyo dahil tiyak na iiyak sila habang pinapanood ang pelikula.
Nabasa namin na ang MGB ang first movie ni Maricel sa Star Cinema in 12 years. Ang last movie niya ay In His Mother’s Eyes (IHME) noong 2023 kasama sina LA Santos at Roderick Paulate, produced ng 7K Entertainment at sa direksiyon ni FM Reyes.
Waiting na rin ang mga fans sa susunod na teaser na sigurado raw na mapanakit uli at the same time, gugustuhin nilang mapanood na.
May mga requests na rin na si JK Labajo ang pakantahin ng OST (official soundtrack) ng movie at puwede raw may version din sina Belle Mariano at Piolo Pascual.










Comments