After 29 yrs., naging magdyowa na… ONEMIG MAY SABIT PA, AIKO, ‘DI MAPAKASALAN
- BULGAR

- 3 hours ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 8, 2026

Photo: IG _uno_111
Nang magkitang muli sina Aiko Melendez at Onemig Bondoc ay nagkaroon sila ng reconnection at nabuhay muli ang dati nilang feelings sa isa’t isa.
Well, 29 years silang walang communication at marami nang nangyari sa kanilang personal na buhay. May ilan namang pag-ibig na nagdaan sa buhay ni Onemig bago siya nagpakasal kay Valerie Bariou. Naging karelasyon niya sina Angelu de Leon, ang Viva star na si Sheree Bautista, at si Ciara Sotto, bago niya nakilala at pinakasalan si Valerie Bariou.
May dalawang anak sila. Naghiwalay ang dalawa noong 2014, pero hindi pa na-annul ang kanilang kasal. Gusto ni Onemig ng full custody sa dalawang anak.
Ngayong naging malapit ulit si Onemig kay Aiko, marami ang nagsasabing mauuwi sa pagpapakasal ang kanilang relasyon.
Pero may problema pa sa panig ni Onemig dahil hindi pa annulled ang kasal niya kay Valerie. Ito ang magiging hadlang upang mapakasalan niya ang aktres-pulitiko.
Bukod sa korona…
CHAVIT, CO-PRODUCER NG BEAUTY PAGEANT SERYE, P25M ANG PREMYO
SI Chavit Singson pala ang co-producer ng GMA Pictures para sa pelikulang Red Crown (RC), na ang istorya ay sesentro sa beauty pageant na ‘Queen of The Islands’.
Twenty-five na kandidata ang maglalaban-laban para sa korona at P25 million cash prize.
Star-studded ang RC dahil kasama rito ang mga nanalong beauty queens at mga sikat na aktres na sina Michelle Marquez Dee (MMD), Ahtisa Manalo, MJ Lastimosa, Ariella Arida at Gazini Ganados.
Kasama rin dito ang ilang mga GMA stars tulad nina Sanya Lopez, Shuvee Etrata, Ashley Ortega, Faith da Silva, Herlene Budol, atbp..
Sa dami ng cast, tiyak na milyun-milyon ang inilabas na puhunan dito ni Chavit at ng GMA Pictures.
Marami naman ang nagtatanong kung isasama ba sa kuwento ang mga nakatagong sikreto sa mga beauty pageants ngayon. May palakasan bang magaganap?
Well, tiyak na magpapatalbugan sa pagrampa ang mga kandidata ng ‘Queen of The Islands’.
MUKHANG magkakaroon ng extension ang The Master Cutter (TMC) at ganoon din ang Taskforce Firewall (TF). Ito ang naging bulung-bulungan lately sa set ng dalawang primetime shows ng GMA-7. Marami raw ang nagre-request na huwag munang tapusin ang dalawang serye, dahil parehong maganda ang kuwento at parehong mataas ang ratings. Gabi-gabi itong pinanonood at inaabangan ng mga viewers. Parang pelikula raw ang atake.
Well, masaya at excited na rin sa balitang ito ang cast ng TMC at TF. Gayunpaman, wala pang official na kumpirmasyon sa magaganap na extension ng dalawang prime shows ng Kapuso Network.
Naghihintay na rin kasi ng bakanteng slot ang Hari ng Tondo (HNT) na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Ruru Madrid, ganoon din ang serye ni Alden Richards na Code Gray (CG).
Abangan na lang ang latest update soon.
MAGPAPAHINGA na sa ere ang programang Wish Ko Lang (WKL), hosted by Vicky Morales. Twenty-five years itong napanood sa GMA-7 at maraming pangarap ang natupad sa mga itinampok sa programa.
Marami ang na-inspire sa mga kuwentong kanilang isinadula, positibo ang naging mensahe nito sa mga viewers at nag-iwan ito ng magandang impact.
Ganunpaman, magpapahinga ang WKL para sa season break. Nagpahatid naman ng pasasalamat sa lahat ang host ng show na si Vicky sa mga sumuporta sa programa.
May ilan naman ang gustong magparating sa staff ng WKL na sana, kapag bumalik ang show sa ere ay ibalik din ang dating format nito bilang public service show. Huwag nang itulad sa Magpakailanman ni Mel Tiangco.





Comments