top of page
BIDA - XIAN GAZA, SOBRANG LIBELOUS ANG PANINIRA KAY ALDEN, NAGTATAGO SA THAILAND_FB Christ

Hiyang-hiya kay Mariel… MOCHA, NAGSALITA NA SA KALAT NANG NABUNTIS NI SEN. ROBIN

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 8
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | September 8, 2026



WINNER - MOCHA, NAGSALITA NA SA KALAT NANG NABUNTIS NI SEN. ROBIN-IG _mochauson & _robinpadilla

Photo: IG _mochauson & _robinpadilla



Tinuldukan na ni Mocha Uson ang tsikang nabuntis daw siya ni Sen. Robin Padilla. Isiniwalat ni Mocha sa interbyu ni Susan Enriquez ang buong katotohanan.


Umusok ang intriga na buntis si Mocha courtesy of Sen. Robin matapos ang matagal na niyang pananahimik. Sapul sa isyu sina Robin at Mocha dahil pareho silang supporters ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD).


Nilinaw ni Mocha sa vlog ni Susan na hindi totoo na nabuntis siya ni Sen. Robin.

“Background n’yan, isa s’yang online media. Blind item. Isang supporter ni ganitong pulitiko tapos isang controversial na nasa posisyon ngayon, may anak daw. Wala namang sinasabi kung sino. Kaya nagulat kami, bakit nadamay kami?” pagtataka ni Mocha.


Aware raw ang senador sa tsismis. Pero pinagtatawanan lang daw nila dahil alam nila kung ano ang totoo.


Ayon kay Mocha, “Nagbibiruan na lang kami ‘pag nagkikita kami, lalo na ‘pag kasama ko ang nanay ko. Sasabihin ni Senator, ‘Oh, kumusta na po ang apo n’yo?’”


Sa isyu sa kanila ni Sen. Robin, nakakahiya raw ito sa misis nitong si Mariel Rodriguez.


“Nakakahiya. Pasintabi po, Sen. Robin. Saka kay Ma’am Mariel Padilla, wala pong ganu’n,” lahad pa ni Mocha.


Sa naturang panayam ay inamin ni Mocha na wala pa siyang anak. Ipinasa-Diyos na lamang daw niya kung mabibigyan pa siya ng biyaya.

‘Yun na.





Spoiled sa BF… JANINE, BINUHAT NI ECHO PARA ‘DI LUMUSONG SA BAHA


Todo ang kilig na ha

tid nina Jericho Rosales at Janine Gutierrez sa kanilang pagpunta sa Amerika. Sulit na sulit ang pagpunta nila from New York to California.


Spoiled to the max ang aktres kay Echo. Sa New York ay natupad ang dream ni Janine na mapanood ang concert ng paborito niyang si Harry Styles sa Madison Square Garden, plus mapanood ang tennis superstar na si Alex Eala sa US Open.


Pagdating sa California ay sinamahan ni Janine ang aktor para sa Manila International Film Festival (MIFF), kung saan itinanghal itong Best Actor.


Pero ang lalong nagpakilig sa mga fans ng magdyowa ay ang nag-viral na video nila nang buhatin ni Echo si Janine para iwasan ang baha sa gilid ng kalsada sa Hollywood.

Bukod sa kinilig, marami rin ang pumuri kay Echo.


Sey ng mga netizens:

“Du’n tayo sa gentleman. Big no sa nonchalant kuno.”

“Sana all may Echo. Hahaha!”

“Baha sa ‘Pinas be like: ‘Kuya, i-Jericho mo ako!’”

“Ang sweet.”


Pero hindi rin mawawala ang mga bashers, siyempre.


“Sa una lang ‘yan dahil may nakakakita at may camera. ‘Pag nagsawa na ‘yan, kaya mo na ‘yan!”

“Ganyan ‘pag ‘di pa asawa.”


Ang bitter, ha?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page