top of page
WINNER - MOCHA, NAGSALITA NA SA KALAT NANG NABUNTIS NI SEN. ROBIN-IG _mochauson & _robinpa

Matagal daw bago nakilala si Lord… JAYA: MARAMING NASIRANG BUHAY DAHIL SA PERA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 4 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | September 8, 2026



TALKIES - JAYA MARAMING NASIRANG BUHAY DAHIL SA PERA-YT Toni Talks

Photo: YT Toni Talks



“Ang tagal bago ko nakilala si Lord,” pahayag ng singer na si Jaya, na mas kilala bilang ‘Queen of Soul’.


Nag-guest ang anak ng yumaong singer-actress na si Elizabeth Ramsey, sa YouTube (YT) channel ng aktres-host na si Toni Gonzaga na Toni Talks (TT)


Sa panayam, napag-usapan nila ang career ni Jaya sa US at ang mga pinagdaanan niya bago niya muling natagpuan ang kanyang pananampalataya.


Tinanong ni Toni si Jaya, “Bakit ‘di mo itinuloy ang career mo sa US at napunta ka sa Philippines?”


Ayon kay Jaya, isang masakit na pangyayari ang naging dahilan upang magbago ang takbo ng kanyang buhay.


“Something happened to me. I was living a life na walang Diyos. Just imagine, at that age, may nangyari sa akin na nawalan ako ng anak. I’ve never said this before because I felt like nobody needs naman to know, but it happened. So I was 21 or 22... And sana, ‘di ko na lang pinagdaanan ‘yun.


“What happened was, after that, I went back to my mom. Sabi ko, ‘Babalik na ‘ko sa ‘yo.’ After nu’n, ayoko nang kumanta. Naglalasing na ako nu’ng nangyari na ang nangyari sa akin,” ani Jaya.


Ibinahagi rin ni Jaya na matagal bago niya nakilala ang Diyos at sa mga panahong iyon ay nakaranas siya ng matinding inner struggles.


Aniya, “Ang tagal bago ko nakilala si Lord. During those days, those years, lahat ay mistake. Kahit tama s’ya, may kulang. My career was there, but it was not stable. Everybody thought, ‘Bakit parang galit s’ya?’ ‘Yun pala, inner turmoil, inner struggles.


“Half-hearted ako sa lahat. ‘Di ko naiintindihan until ‘yun na nga. I didn’t know I needed God.”

Bago niya natuklasan ang kanyang pananampalataya, sinabi ni Jaya na naghanap siya ng kasagutan sa iba’t ibang paniniwala.


Aniya, “Kasi at that time, before the small group, I was in search. I was looking at the Book of Islam, I was looking for Buddhism, I was looking at all kinds of things. And I needed someone to hold on to me kasi ‘di ko na nakukuha sa tao.


“And that’s when I realized, ‘Oh, may Bible pala na kakausapin ka ni Lord through the book.’”

Nagpasalamat din si Jaya kay Toni dahil sa mga aral na napulot niya mula sa panonood ng Toni Talks.


“Kaya nu’ng nanonood ako ng show mo, ‘tong Toni Talks, ang dami kong natutunan sa ‘yo. Grabe, iba ka magpaliwanag, iba ka maglabas ng emosyon. ‘Yung knowledge mo is really wisdom from the Lord,” ani Jaya.


Ibinahagi rin ni Jaya kung paano niya nakita ang kamay ng Diyos sa direksiyon ng kanyang buhay at pamilya.


“I’ll tell you another story. Jesus was there, and I know it’s because of Him. That’s why I sing the way I sing. Wala akong pakialam sa mundo. Basta kung anong gagawin mo, okay lang ‘yan.


“So, ang galing ni Lord mag-zigzag ng direction. Kung saan ka n’ya dadalhin para ‘di matuloy ‘yung plano mo, because His plans are better,” aniya.


Para kay Jaya, isa sa pinakamalaking biyayang natanggap niya ay ang pagkakaroon ng isang tunay na pamilya.


“Pero ang galing Niya, because of what happened to me, He gave me a true family that I can truly have and call my own. Imagine mo ‘yun, meron akong tatlong anak. And of course, ‘yung isa, anak ni Gary (Gotidoc) from the previous marriage, who now lives with us talaga. Then may panganay si Bria, who happens to be a genius. ‘Kaloka rin ‘yung batang ‘yan.

“Sabi ko, ‘Lord, thank you. I’m not alone anymore,’” aniya.


Aminado rin si Jaya na patuloy pa rin niyang inaayos ang kanyang sarili, maging ang kanyang character at career.


“And now He’s fixing my character through them, my career. Kung meron ngang career, kung ano man ang tawag sa ginagawa ko, it’s not perfect. I’m still adjusting and correcting my ways.


“But for one thing is sure, na parang kailangan ko laging tinatandaan na I am loved. And I am whole because of Him. I’m nothing without Him. Literal, I can go on a litany of things na alam kong sa Kanya lang lahat galing, sa Kanya at para sa Kanya.


“All for Him, all to Him, all because of Him. That’s it. I can’t describe anymore,” aniya.

Para kay Jaya, hindi pera o kasikatan ang tunay na sukatan ng magandang buhay.


“Akala mo ‘pag maraming pera, gaganda ang buhay mo? Actually, maraming nasirang buhay dahil sa pera, ‘di ba? Fame, ‘di nila kinakaya,” dagdag ni Jaya.


Sa huli, sinabi ni Jaya na nais niyang gamitin ang kanyang talento hindi lamang para sa kanyang career kundi higit sa lahat para sa paglilingkod sa Diyos.


“But I’m really, really positive that, yes, in my older days, kung ‘di man ako singer pa rin, most likely I’m a worship singer for church. Which, ginagawa ko naman. ‘Yun din ‘yung masaya, eh—leading a worship team. That’s kind of where I want to go one day, ganu’n, serve Him,” pagtatapos ni Jaya.


In fairness, sa kabila ng lahat ng pinagdaanan, muling natagpuan ni Jaya ang kanyang faith at purpose sa buhay.


Amen to that, Jaya! God is good all the time, and all the time, God is good.

‘Yun lang, and I thank you.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page