top of page

Pag-aresto ng ICC kina Go at Bato, 'di haharangin — Palasyo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 2 min read

ni Mylene Alfonso @News | February 17, 2026



Sen. Bong Go at Sen. Ronald Bato Dela Rosa - FB

Photo: Sen. Bong Go at Sen. Ronald Bato Dela Rosa - FB



May obligasyong ipatupad ng pamahalaan ng Pilipinas ang anumang posibleng arrest warrant laban kina Senators Ronald “Bato” Dela Rosa at Christopher “Bong” Go, at iba pang sinasabing co-perpetrators ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa kasong crimes against humanity sakaling ipag-utos ng International Criminal Court (ICC) ang kanilang pag-aresto.


Ayon kay Palace Press Officer Undersecretay Claire Castro, ang mga kaso laban kay Duterte at sa kanyang mga kasama na umano’y may pananagutan ay isinampa noong 2017, noong miyembro pa ng ICC ang Pilipinas.


Gayunman, nilinaw ni Castro na hindi umano nila maaaring pakialaman ang proseso ng ICC dahil hindi pa naman umano pinuno ng bansa noon si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.


“Kung ito naman ay legal process na nanggagaling po sa ICC, hindi naman po natin ito maaaring pakialaman dahil ang kasong iyan ay naisampa noon pa, 2017, at hindi pa po pangulo si Pangulong Marcos Jr. So, kung dadaan sa proseso, iyon naman po ang nais ng pamahalaang ito. Ang ginagawa ng pamahalaang ito ay dumadaan lahat sa proseso,” wika ni Castro sa Palace briefing.


“Kapag may warrant of arrest na naisyu na po, kailangang i-implement,” tugon ni Castro nang tanungin sakaling may lumabas na arrest warrant.


“So, kung babantayan sila, sa ngayon ay wala pa pong dahilan para sila ay bantayan dahil wala pa pong nare-receive ang gobyerno ng warrants of arrest.”


“Nagawa na po before at ang sinunod po ay ang batas na umiiral sa ating bansa at nakipag-coordinate po ang ating pamahalaan sa Interpol kaya po naipadala ang dating Pangulong Duterte sa The Hague,” dagdag ng Palace official.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page