top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pag-amin sa relasyon nila ni Gerald, kaya raw inuunti-unti…

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 11, 2021
  • 1 min read

JULIA, GUSTONG LAGING NAPAG-UUSAPAN, TAKOT MALAOS

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 11, 2021




May panibagong post si Julia Barretto via TikTok at nilagyan niya ito ng word na "taken."


Siyempre, assuming ang mga netizens na si Gerald Anderson na nga raw talaga ang nagmamay-ari ng puso niya.


“It’s ironic, 'no? The relationship is confirmed via TikTok...”


“It’s only a matter of time before she ends up being just like all the others before her...tik tok...tik tok...tik tok... #yabangpamore


Ayon sa isang nagmamalasakit sa aktres, ‘wag daw masyadong magpakasaya.

"Ganu'n din sila lahat sa umpisa," sabi nito.


Puntong pinagbabawalan naman si Julia ng isang fan tungkol kay Gerald, “History will repeat itself. Beware, Julia.”


Sa ngayon daw ay promo-promo muna para marami ang mag-abang.


“Sa Feb. 14 na talaga ang official announcement......”


“She says she doesn’t want to talk about her love life, yet she's doing everything so people can talk about it.”


Ang sabi pa ng ibang netizens, kaya raw unti-unti ang pagsisiwalat ni Julia sa kanyang boyfriend ay para may mapag-usapan tungkol sa kanya.


Wala namang idinedenay si Julia sa mga espekulasyon ng nakararami na si Gerald ang itinatago niyang karelasyon.


Nakatitiyak pa ang mga netizens na sa February 14, Araw ng mga Puso, ay iaanunsiyo na ni Julia officially kung sino ang ‘the one’ niyang tinutukoy.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page