top of page

Pag-amin, kinondena sa House... Cong. Suntay, nag-init kay Anne

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 4
  • 1 min read

by BRT @News | March 4, 2026



Anne Curtis at Rep. Bong Suntay - IG HOR

Photo : Instagram @Anne Curtis / House of Representatives



Umani ng samu't saring reaksyon ang kontrobersyal na pahayag si 4th District Quezon City Rep. Bong Suntay sa gitna ng kanyang manifestation sa pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.


Sa gitna ng talakayan sa naging partisipasyon umano ni VP Sara sa mga rally at sa mga pahayag nito tungkol sa pagiging “designated survivor,” ibinahagi ni Suntay ang isang personal na halimbawang tumukoy sa "It's Showtime" host at aktres na si Anne Curtis.

“Minsan nasa Shangri-La ako, nakita ko si Anne Curtis. Ang ganda-ganda pala niya. You know, may desire sa loob ko na nag-init talaga, at na-imagine ko na lang kung ano ang puwedeng mangyari. Pero siyempre hanggang imagination lang 'yon,” ani Suntay sa pagdinig.


"Pero ‘di naman siguro ako puwedeng kasuhan kung ano ang na-imagine ko eh," dagdag pa niya.


Ang naturang pahayag ay agad na sinita ng ilang miyembro ng komite, na nagsabing hindi ito kaugnay ng usapin sa pagdinig. Dahil dito, may ilang kongresista ang naghain ng mosyon upang ipatanggal sa opisyal na records ng pagdinig ang nabanggit na bahagi ng kanyang manifestation.


Nilinaw naman ni Suntay na hindi sexual ang kanyang naging pahayag.

"There is nothing sexual do’n sa sinabi ko, nothing immoral, it’s just, I said, may na-imagine ako, I think there is nothing wrong," aniya.


Sa botong 13-2-2, sinusugan naman ng mga mambabatas ang pag-strike out sa records sa mga nasabi ni Suntay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page