Pag-alis ng Daily Double kaya walang race sa PRCI
- BULGAR

- Feb 4, 2021
- 1 min read
ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | February 4, 2021
Hindi nakabuo ng karera nitong Martes ang Philippine Racing Club Inc.,(PRCI) sa Santa Ana Leisure Park, Naic, Cavite.
Dahil sa pangyayari kahapon (Miyerkules) idinaos ang walong karera sa SALP. Malaking bilang ng mga pangarera kabayo ang hindi nakilahok sa PRCI buhat nang sumunod ang management sa Philippine Amusement Board (GAB) sa nawalang Daily Double sa tayaan ng SALP. Naniniwala ang PRCI na sinasamantala ng bookies operator ang karera sa SALP sa pamamagitan ng mga yaring daily double.
Dahil sa pakikiisa sa panawagan ng GAB na labanan ang operasyon ng illegal bookies inalis ang daily double ng SALP kung bakit hindi makabuo ang karera ang nasabing karerahan.
Nahihirapan man ay patuloy pa rin ang SALP na maitaguyod ang karera kahit walang daily double.
Ang Daily Double ang paboritong tayaan ng mga karerista at ito ang ugat ng katiwalian sa karera. Matatandaan na noong nakaraang taon sinubukang ibalik ang daily double sa Santa Ana noong Disyembre subalit nagkaroon na naman ng dayaan sa takbo ng mga kabayo makaraang pigilan ng hinete ang liyamadong kabayo upang matalo.
Naniniwala ang Santa Ana Park na babalik ang dating lakas ng tayaan sa karera kahit walang Daily Double.




Comments