top of page
WINNER - TITO-KIKO SA 2028, ISINUSULONG-IG _reallysharoncuneta.jpg

Pag-abandona sa asawa, hindi sapat na rason para mapawalang-bisa ang kasal

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 11, 2022
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | January 11, 2022



Dear Chief Acosta,


Ikinasal kami ng aking asawa noong Pebrero 14, 2014. Nagulat ako sa mga naging pagbabago sa ugali ng aking asawa, isang taon pagkatapos naming ikasal. Nabalitaan ko ang pakikipagrelasyon niya sa iba’t ibang babae. Ilang beses ko siyang kinausap pero paulit-ulit din niyang itinanggi ang kanyang pambababae. Hindi na siya umuwi sa aming bahay mula noong Hunyo 2019 nang walang sinabing dahilan sa akin. Hinanap ko na siya sa kanyang mga kamag-anak at kaibigan ngunit hindi ko pa rin siya nakita.


Maaari ko na bang ipawalang bisa ang aming kasal? – Linda


Dear Linda,


Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa sitwasyon na inyong inilahad ay ang Article 55 ng Family Code of the Philippines, kung saan nakasaad na:


“Art. 55. A petition for legal separation may be filed on any of the following grounds:


(1) Repeated physical violence or grossly abusive conduct directed against the petitioner, a common child, or a child of the petitioner;


(2) Physical violence or moral pressure to compel the petitioner to change religious or political affiliation;


(3) Attempt of respondent to corrupt or induce the petitioner, a common child, or a child of the petitioner, to engage in prostitution, or connivance in such corruption or inducement;


(4) Final judgment sentencing the respondent to imprisonment of more than six years, even if pardoned;


(5) Drug addiction or habitual alcoholism of the respondent;


(6) Lesbianism or homosexuality of the respondent;


(7) Contracting by the respondent of a subsequent bigamous marriage, whether in the Philippines or abroad;


(8) Sexual infidelity or perversion;


(9) Attempt by the respondent against the life of the petitioner; or


(10) Abandonment of petitioner by respondent without justifiable cause for more than one year.”


(Binigyang-diin)


Base sa inyong inilahad na sitwasyon ay inabandona kayo ng inyong asawa noong Hunyo 2019 nang walang dahilan. Sa kasong Prima Partosa-jo vs. CA, et al. (G.R. No, 82606, December 18, 1992, Ponente: Honorable Former Associate Justice Isagani A. Cruz) ay ipinaliwanag ng Korte Suprema ang pag-abandona ng tao sa kanyang asawa: Abandonment implies a departure by one spouse with the avowed intent never to return, followed by prolonged absence without just cause, and without in the meantime providing in the least for one’s family although able to do so.”


(Binigyang-diin)


Malinaw na nakasaad sa ating batas na ang pag-abandona sa asawa nang walang dahilan ay hindi sapat na rason upang mapawalang-bisa ang kasal. Ang pag-abandona sa asawa ng mahigit isang taon ay isa lamang rason upang makapag-file sa korte ang naiwang asawa ng Petition for Legal Separation.


Base sa inyong tanong na inilapit sa amin ay maaari kayong mag-file sa korte ng Petition for Legal Separation dahil sa pag-abandona ng inyong asawa ng mahigit isang taon nang walang rason at sa kawalan niya ng intensiyong bumalik sa inyong bahay. Mananatili pa ring may bisa ang inyong kasal sa inyong asawa, ngunit maaari na kayong tumira sa magkahiwalay na bahay kapag kinatigan ng korte ang inyong petisyon.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page