Pag-aalboroto ng Mt. Pinatubo, masamang pahiwatig na naman?!
- BULGAR

- Mar 5, 2021
- 1 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | March 5, 2021
Nag-aalboroto ang Mt. Pinatubo.
May ipinahihiwatig ‘yan tulad ng Bulkang Taal!
◘◘◘
Pinagdududahan ang bisa ng AstraZeneca vaccine.
Black propaganda pa more!
◘◘◘
Sinibak ang isang abusadong ambassador ng Pilipinas.
Beh, but inga!
◘◘◘
Gumagrabe ang sitwasyon sa Myanmar.
Ang sitwasyong ‘yan ay aktuwal na “iniwasan” ni ex-P-Marcos—ang “magpatayan ang mga Pinoy sa kapwa Pinoy!
◘◘◘
Magulo ang Burma dahil sa panghihimasok ng mga dayuhan.
Ang mga dayuhan ang ugat ng kaguluhan sa Myanmar!
◘◘◘
Nahahati ang Myanmar sa dalawang paksiyon.
Isa ang maka-U.S. at ikalawa ang maka-China.
Hindi ito dapat maranasan ng Pilipinas sa 2022 presidential elections!
◘◘◘
Ang kawalan ng malinaw na ideolohiya ng isang bansa ang tunay na ugat ng kaguluhan.
Lumalaki ang kabataan na yumayakap sa mga banyagang ideolohiya!
◘◘◘
Walang grupo sa Pilipinas ang nagtatangkang ugatin kung ano, alin at paano malilinang ang wagas na ideolohiyang dalisay na maka-Lahing Kayumanggi.
Sa panahon ng social media, ang mga tao ay abala sa paglikha ng pekeng impormasyon!
◘◘◘
Masipag ng ilang grupo pero isinusulong nito ay ideolohiyang maka-U.S.
Nakakalaban nila ang ideolohiyang maka-Tsino.
Nasaan ang ideolohiyang tunay na maka-Filipino?
Malungkot ang sagot: Waley!





Comments