top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

‘Padrino system’ sa PNP recruitment, stop!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 31, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 31, 2021



MGA BUWAYANG POLICE OFFICERS NA SUKI NG PADRINO SYSTEM, LULUGU-LUGO SA ‘CORES’ NI GEN. ELEAZAR—Lulugu-lugo na ngayon ang mga “buwayang” opisyal ng PNP (Philippine National Police) na rumaraket at nagkakapera sa pagpapadrino sa mga aplikante ng mga nais magpulis.


Inilunsad na kasi ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang Comprehensive Online Recruitment Encrypting System (CORES) na susuri sa pagkatao at kredensiyal ng lahat ng mga aplikante sa pagiging pulis, at hindi na puwede ang raket ng mga ‘buwayang’ police officers na kumikita ng limpak-limpak sa pagrerekomenda sa mga nais maging pulis agad, period!


◘◘◘


NAGPULIS LANG ‘YUNG IBA KASI GUSTONG MAGING ‘TONGPATS COLLECTOR’ AT PROTEKTOR NG MGA ILEGALISTA—Sa totoo lang, tama ang desisyon ni Gen. Eleazar na wakasan na ang padrino system sa mga aplikante sa pagkapulis dahil ang ilan sa mga naging pulis sa ilalim ng padrino system ay hindi karapat-dapat maging pulis.


‘Yung iba kasi riyan, kaya lang gustong magpulis ay para maging ‘tongpats collector’ at protektor ng mga ilegalista, buwisit!


◘◘◘


MGA PD SA PANGASINAN, CAVITE, RIZAL, LAGUNA AT BATANGAS, DAPAT SIBAKIN NI GEN. ELEAZAR—Tuloy pa rin ang operasyon ng raket na jueteng nina alyas Chito at Fajardo sa Pangasinan; John Yap sa Cavite at Rizal; Toce at Alvarez sa Laguna; Reyes at Biskotso sa Batangas.


Dapat pagsisibakin na ni Gen. Eleazar sa puwesto ang mga PD (provincial director) ng PNP sa mga lalawigang ito, baka sakali kung iba na ang PD ay matigil na ang panraraket ng mga gambling lords sa nga probinsiyang ito, period!


◘◘◘


PARANG SINABI NI PERNIA NA ‘NGANGA’ LANG ANG DATI NIYANG AMONG SI P-DUTERTE SA PANANAKOP NG CHINA SA WPS—Ang sabi ng dating tauhan ni P-Duterte na si former NEDA (National Economic Development Authority) Sec. Ernesto Pernia na ang dapat na susunod na pangulo ay handang ipaglaban ang West Philippine Sea (WPS) na sinakop na ng China.


Aba, parang sinabi naman ni Pernia na ‘nganga’ lang ang dating amo niyang si P-Duterte sa pananakop ng China sa West PH Sea, ha?



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page