Padir ni Kris, inglesero… NETIZENS, WA' BILIB KAY ISKO BILANG NINOY
- BULGAR
- Nov 26, 2022
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | November 26, 2022

Excitement at hindi pa bashing ang nababasa naming comments sa post ni Director Darryl Yap ng litrato nina Cesar Montano at Isko Moreno na magkakasama sa pelikulang Martyr or Murderer o MoM. Sequel ito ng hit na Maid in Malacañang ng Viva Films pa rin.
Si Cesar pa rin ang gaganap sa role ni Ferdinand Marcos at si Isko ang gaganap sa role ni Benigno Aquino.
Napanood na si Cesar bilang si Ferdinand Marcos sa MiM, kay Isko nakatutok ang mga netizens ngayon. Inglesero raw si Ninoy, may American accent at mabilis magsalita, kaya curious na sila kung paano gagampanan ni Isko si Ninoy.
In-announce na rin na si Jerome Ponce ang gaganap na young Ninoy at si Marco Gumabao ang young Ferdinand Marcos. Hinihintay na lang ang announcement kung sino ang gaganap na young Imelda Marcos na ginampanan ni Ruffa Gutierrez sa MiM.





Comments