Padir ni KC, nakalimot… SANYA, TINAWAG NA ‘HONEY’ NI GABBY, SHOCKED!
- BULGAR
- Feb 14, 2022
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida |February 14, 2022

Mamayang 8:00 PM ang world premiere ng First Lady sa GMA-7 at pakiabangan ang eksenang natapilok si Sanya Lopez bilang si First Lady Melody Reyes-Acosta.
Kuwento ni Sanya, totoong natapilok siya kaya authentic ‘yung reaction niya sa eksenang ‘yun at hindi na kinailangang iarte pa.
May blooper din si Gabby, nakalimutan niyang “Mahal” ang term of endearment ni Pres. Glenn Acosta (Gabby) kay Melody (Sanya) at natawag niya itong “Honey.” Nagulat daw si Sanya kung sino ang “Honey’ na tinawag ni Gabby.
Ilan lang ito sa mga bloopers sa locked-in taping ng First Lady na nagpadagdag sa saya ng cast na dahil matagal magkakasama, pamilya na ang turingan.
Sama-sama rin silang nagbabakasyon sa beach house ni Gabby sa Batangas kapag tapos na ang taping at siniguro ng cast na hindi lang sila “taping friends.”
Dahil presidente ang role sa First Lady, natanong si Gabby kung wala ba siyang balak na pasukin ang pulitika at “wala” ang sagot nito.
“Wala ring pressure sa akin ang role ng isang presidente dahil hindi naman ako tumatakbo at wala rin akong peg. Ipapakita rito ang mga personal na buhay ng isang politician, kung ano siya sa bahay,” sabi ni Gabby.
Comments