top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

PADIR NG ANAK NI WINWYN, NAMANHIKAN NA KINA JOEY AT ALMA

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 1, 2022
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 1, 2022



Sa mediacon ng bagong comedy series ni Alma Moreno sa TV5 na Kalye Kweens ay natanong ang veteran actress tungkol sa non-showbiz partner ng anak na si Winwyn Marquez.


As we all know ay may anak na ngayon si Winwyn sa nasabing boyfriend na hanggang ngayon ay hindi pa ipinakikilala ng aktres sa publiko.


Ano nga ba ang masasabi ni Ness tungkol sa mystery dyowa ni Winwyn?


“Magagalit si Winwyn,” natatawa niyang sabi.


Pero nilinaw niyang binatang-binata ang guy.


“Unang-una, binata. Kung ano ‘yung iniisip n’yo. Binata ‘yung partner ni Winwyn. Siguro, irespeto na lang natin ‘yung desisyon muna ng anak ko na gusto niya, tahimik muna,” ani Ness.


Besides, tila bawal din sa trabaho ng guy na ma-expose.


“May work kasi na hindi puwedeng ano, eh. . .” aniya.


Inamin niyang namanhikan na sa kanila ang guy.


“Unang-unang namanhikan ‘yan kay Joey (Marquez), tatay. Namanhikan kay Joey, tapos sa akin nu'ng buntis (si Winwyn).”


Pero boto naman daw sila sa guy, lalo na si Joey. Bata pa lang daw ito ay kilala na nila at noon pa ay parang anak na umano ang turing dito ni Tsong.


“Saka nakita naman namin na mahal na mahal nu'ng lalaki si Winwyn. Sila naman ang nagdesisyon, so hindi ako puwedeng mag-ano. Hintayin ko na lang, sila na lang (ang magsalita).


Ayoko namang pangunahan ‘yung anak ko,” she said.


Samantala, sa Kalye Kweens ay makakasama ni Ness ang kapwa-veteran actress na si Dina Bonnevie. Magbabangayan to the bardagulan level ang dalawang aktres sa nasabing serye dahil magkaribal at magkaaway ang role nila.


Tampok sa Kalywe Kweens ang mga relatable at realistic scenes tungkol sa nakakatawang rivalry ng dalawang babae, dalawang pamilya at dalawang komunidad.


Magbibigay din ito ng nostalgic vibes dahil sa TV comeback nina Dina at Alma, kasama sina Marissa Delgado, Jeric Raval, Jojo Abellana, Giselle Sanchez, Marissa Sanchez, Jairus Aquino, Vitto Marquez, Aubrey Caraan at Lyca Gairanod.


Mapapanood na ang serye mula Oktubre 1 at eere tuwing Sabado, 8:30 PM sa TV5, at tuwing Linggo, 8:00 PM sa Sari Sari Channel.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page