Padir ng anak, may kapalit na…

CRISTINE, PROUD NA IPINOST SA SOCMED ANG BAGONG BF NA RICH BUSINESSMAN
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 11, 2021

Masaya kaya ang darating na Araw ng mga Puso ni Cristine Reyes? Sila pa rin ba ng napabalitang bagong boyfriend niyang Harvey Michael Alumisin ang pangalan?
Hindi pamilyar sa amin ang name ng guy at nang ini-research namin sa Google, nalaman naming project manager ito ng EnviroClean at COO ng sarili niyang kumpanya, ang HMA.
May sarili rin itong designs ng Filipino bags na mini-bayong ang hitsura. Iba-iba ang designs nito na sariling likha ni Harvey. May design na tinapay, bahay-kubo, timba, puto atbp..
Sa Mindoro unang nakilala ang mini-bayong bags ni Harvey Alumisin. At ngayon ay napapansin na rin abroad.
Mukhang malayo ang mararating ng mga Pinoy bags ng negosyanteng BF ni Cristine Reyes. 'Yan ay kung sila pa rin dahil nagtataka kami kung bakit wala nang naipo-post ang aktres tungkol sa guy at tanging mga photos lang ng kanilang anak ni Ali Khatibi na si Amarah ang inilalagay ni Cristine sa socmed.





Comments