top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

HIRIT NG NETIZENS: TRINA, NAKARMA LANG SA PANG-AAGAW KAY CARLO KAY ANGELICA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 31, 2022
1 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | January 31, 2022




Sinagot ni Trina Candaza, ina ng anak ni Carlo Aquino na si Baby Mithi Enola, 1 year and 4 months only, na wala siyang inagaw o sinulot.


Sa mga cryptic posts kasi ni Trina sa kanyang Instagram ay lumalabas na nag-end na ang relasyon nila ni Carlo, at gayundin ang aktor sa mga posts nito.


At parang inamin na nga rin ng modelong girlfriend ng aktor na hiwalay na nga sila base sa Facebook post nito noong Enero 28 na, “You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya ‘pag wala ka na sa kanya.


“Kung may pinupuntahan na agad na babae… ‘Wag na kayo umasang magbabago pa ‘yung jowa n’yo na sakit sa ulo, hindi na ‘yan magbabago.”


May netizen na nagkomentong kinarma raw si Trina dahil sa ginawa nitong pang-aagaw.


“Karma is a bitch talaga. Ayos lang ‘yan! Pumatol ka nga kay Carlo noon nu’ng sila pa ni Angelica, eh (laughing emoji). Mas masakit talaga ‘pag binalikan ka ng karma, doble ‘yung sakit. Worst is, may anak kayo.”


Nagtatakang sinagot ito ni Trina, “Huh? Hindi naman sila nagkabalikan, sa ‘kin nag-commit ta’s (read: tapos) ang labas, ako pa ang nang-agaw. I kept quiet that time para kay Carlo, pero wala akong inagaw.”


Hayan, klaro, walang inagaw si Trina at sa pagkakatanda rin namin noong nakausap namin si Carlo ay inamin niyang hindi sila nagkabalikan ni Angelica.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page