Padir ng anak… LEE, UMAMING LABS PA RIN SI POKWANG
ni Julie Bonifacio @Winner | May 12, 2023

Dumating si Lee O’Brian sa presscon at private screening ng bagong VivaMax movie titled Sandwich directed by Jao Daniel Elamparo at mula sa malikhaing isipan ni Direk Brillante Mendoza.
Ang kuwento ng Sandwich ay nangyari lamang sa loob ng isang araw nu’ng magsimula ang lockdown sa Kamaynilaan dahil sa COVID-19 pandemic.
As expected, panay Inglesan ang mga characters sa Sandwich since pawang foreigners ang mga artista na kailangan sa role. Isa na d’yan ang role ni Lee bilang ama ng Briton na si Luke Selby na gumaganap na mister ng karakter ni Kat Dovey. Habang ang iba pang members of the cast ay sina Nico Locco at ang apo ni Marissa Delgado na si Andrea Garcia.
Magsisimulang mapanood ang Sandwich sa VivaMax next Friday, May 19.
Nagkaroon tuloy ng chance na makuha ang panig ni Lee sa mga patama sa kanya ng ex-live-in partner at komedyanang si Pokwang.
Kumbaga sa gamot, very generic ang naging sagot ni Lee sa mga parunggit ni Pokwang sa kanya.
All he can say daw ay mahal niya ang anak nila ni Pokwang na si Tisay, pet name ni Malia.
Pero nakakalokah ang statement ni Lee na tiyak na ikare-react na naman ni Pokie.
"I always have love for the mother of my child because she brought my child in this world," ayon kay Lee.
Nais lang daw niya ang best para sa lahat ng involved, lalo na kay Tisay na ang real name ay Francine Malia O’ Brian.





Comments