Padir ng anak, ipinagtanggol sa rape case… SIGAW NI BIANCA: VHONG, 'DI PERFECT PERO MABUTING TAO!
ni Julie Bonifacio - @Winner | August 5, 2022

Maaga pa lang ay nakatanggap na kami ng mensahe mula kay Bianca Lapus noong Miyerkules. Nagulat siya dahil wala siyang kamalay-malay na laman na siya ng online news.
May kinalaman ang pag-viral ni Bianca sa socmed dahil sa ipinost niya sa kanyang Twitter account na picture nila ni Vhong Navarro kasama ang unico hijo nilang si Isaiah “Yce” Navarro. At sa caption ay naghayag siya ng suporta para kay Vhong sa pagbuhay muli sa rape case sa ex-husband niya na isinampa ni Deniece Cornejo.
“Standing by this GOOD MAN. Not perfect but definitely a good kind hearted man.
Otherwise it won't be easy for me to become friends and co-parent with him. The truth will prevail. Walang iwanan,” caption ni Bianca sa kanyang tweet.
Kasama rin sa tweet ni Bianca ang isang quote card kung saan ang nakasulat ay ganito:
“When you destroy someone’s life with lies, take it as a loan, it will come back to you with interest.”
Umani ng papuri si Bianca sa pagpapakita ng suporta sa ama ng kanyang anak.
“That is humane amidst their past issues.”
As usual, may kumontra sa statement ni Bianca.
“Maybe he is good to you only because you're good to him?”
Sinagot ito ng ibang netizens, “Lol. You should know their issue.”
“Ay, 'day! Every week, laman sila ng Startalk dati.”
Meaning, hindi rin naging maganda ang naging hiwalayan nina Bianca at Vhong, and yet, naniniwala pa rin si Bianca na isang mabuting tao si Vhong.
May sumisigaw din sa socmed na hustisya para kay Vhong.
“Those CCTVs don't lie. Justice for Vhong! Vhong is innocent.”
Ang tinutukoy niyang CCTVs ay ipinresent nu’ng unang dinggin sa korte ang kaso ni Deniece laban kay Vhong kung saan napawalang-sala ang TV host-comedian.
Anyway, any moment daw ay baka isampa na (ulit) sa Taguig Prosecutor’s Office ang mga reklamong rape at acts of lasciviousness laban kay Vhong.





Comments