top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Padios, gold, Regalado 2nd sa Pencak Silat ng 8th WMA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 14, 2022
  • 1 min read

ni Gerard Arce - @Sports | November 14, 2022



Muling ipinamalas ni 2021 SEAG gold medalist Mary Francine Padios ang natatanging performance nang ipakita ang husay sa 8th Women’s Martial Arts (WMA) Festival sa Rizal Memorial Coliseum sa Maynila.


Rumehistro ang 19-anyos na SEAG titlist ng 9.587 puntos sa pencak silat Seni Tunggal singles category na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC).


Ito ang unang tsansa para kay Padios na nagtagumpay sa event na pinagwagian din noong Pencak Silat World Championships sa Malacca, Malaysia noong 2021. “Hindi po sana ako maglalaro ngayon pero napanaginipan ko po ang papa ko at parang pinapaalalahan po ako sa responsibilidad ko ngayon, hindi lang sa bansa dahil ako na rin ngayon ang tumatayong padre de pamilya,” wika ng naiiyak na si Padios.


Pumangalawa sa Vietnam biennial meet champ si dating 2018 Asian Games bronze medalist Cherry Mae Regalado ng Phil. Speed Warriors-Aklan, na nakuntento sa pilak na medalya sa 9.246 points, habang pumangatlo para sa bronze si Lorraine Verde ng Isat U KBD sa 8.897 points.



Isinasagawa na rin ang iba pang mga kompetisyon, kung saan nagwagi si jiu-jitsu grappler Shanta Loise Carlos sa women’s under 54kg matapos talunin si Gliza Bea Jacinto, habang 3rd si Erica Barros sa women’s jiujitsu events sa judo training center.


Nagbulsa ng 2 gold si Mariella Rafael sa over 54kg at absolute category matapos talunin sina Joanne Bognadon sa unang dibisyon at higitan si Ashley Baluyot sa huling kategorya.


Nagsanib puwersan sa karate event si Fatima A-Isha Lim Hamsain kasama sina Baby Angel Lamorte at Christina Colonia upang makuha ang ginto sa team kata sa Multi-Purpose Arena hanggang ngayong araw.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page