Padi na si Isko, taob… JOAQUIN, WAGING BEST ACTOR SA 16TH TORONTO FILM AND SCRIPT AWARDS
ni Nitz Miralles - @Bida | November 29, 2022

Kinakantiyawan si Isko Moreno na mas mahusay na aktor sa kanya ang anak na si Joaquin Domagoso dahil nanalong Best Actor si JD sa 16th Toronto Film and Script Awards para sa pelikula ni Director Adolf Alix, Jr. na That Boy In The Dark.
First acting award ito ni JD at international pa. Si Isko raw, wala pa yatang acting award at balik-acting pa lang siya sa Viva Films movie na Martyr or Murderer kung saan gaganap siya sa role ni Ninoy Aquino.
Anyway, nagbakasyon sa Thailand sina JD at Raffa Castro at finlex ni Raffa ang pagiging sweet ni JD. Pinadalhan daw siya nito ng flowers for the hundredth time.
Ang lalong ikinakilig niya ay nang ipagsigawan ni JD sa harap ng maraming tao na mahal na mahal siya nito. May kasama pang sayaw at kanta ang declaration of love sa kanya ng ama ng baby nilang si Scott.





This is actually his 8th award in showbiz.