PACQUIAO, 'DI SUPORTADO ANG ANAK NA SI JIMUEL SA LABAN SA BOXING
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | August 22, 2022

Marami ang nagtatanong kung anu-ano na ang pinagkakaabalahan ni Manny Pacquiao pagkatapos ng election noong Mayo kung saan hindi siya pinalad na manalo nang tumakbo sa pagka-pangulo.
May bali-balitang muli siyang magbabalik sa boxing arena at inihahanap na siya ng kanyang manager ng makakalaban.
Ang tanong, kakayanin pa ba ni Pacman ang mag-boxing ngayong may-edad na siya?
Nagtatanong naman ang ilang netizens kung bakit hindi sinamahan-sinuportahan ni Pacquiao ang kanyang anak na si Jimuel sa laban nito sa USA? Tanging si Jinkee at iba pa nilang mga anak ni Manny ang nanood at nagbigay ng moral support kay Jimuel.
Naipanalo naman ni Jimuel ang laban niyang 'yun. At mukhang hindi na nga paaawat pa si Jimuel sa pagsunod sa yapak ng kanyang ama sa kabila ng pagtutol ng kanyang inang si Jinkee.





Comments