Pacman, ni-reject si P-Digong na maging kandidato ng PDP-Laban for VP?!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 13, 2021
P-DUTERTE FOR VP, REJECT KAY PACMAN?—Wala palang permiso ni PDP-Laban Party acting President, Sen. Manny Pacquiao ang resolusyong ginawa ng ilan sa kanyang mga kapartido na nananawagan kay P-Duterte na kumandidatong bise-presidente sa 2022 election, at dahil d’yan ay sinabihan ni Pacman ang kanyang partymates na tigilan na ang pamumulitika at pagtulong ang gawin dahil marami sa mga kababayan natin na nagugutom ang dapat tulungan.
Dahil kinontra ni Pacman ang resolusyong “P-Duterte for VP movement”, nangangahulugan kaya itong reject sa kanya na maging kandidato ng PDP-Laban sa pagka-VP si P-Duterte? Boom!
◘◘◘
SA LIDERATO NI P-DUTERTE MARAMING PINOY NA NAGUTOM—Malinaw ang sinabi ni Pacman, tigilan muna ng kanyang mga kapartido ang pamumulitika at magpokus sa pagtulong sa mga nagugutom na kababayan.
At dahil Duterte gov’t. ngayon, parang sinabi na rin ni Pacquiao na sa liderato ni P-Duterte ay maraming Pinoy ang nakararanas ng gutom, period!
◘◘◘
TAMA SI PACMAN, TULONG MUNA SAKA NA ANG “P-DUTERTE FOR VP”—Sa totoo lang, tama ang sinabi ni Pacquiao na pagtulong muna ang gawin ng kanilang partido kaysa mamulitika kasi nga milyun-milyong Pinoy na ang naghihirap ngayon dulot ng krisis na dala ng pandemyang COVID-19.
Ngayon, kung hindi titigil ang ilan sa PDP-Laban members na mamulitika ay iendorso si P-Duterte for VP, dapat nang gamitin ni Pacman ang kanyang “Pambansang Kamao” at tanggalin sa kanilang hanay ang mga kapartido nilang pasaway, boom!
◘◘◘
PANIBAGONG UTANG, TOTOONG MAGAMIT SANA SA LABAN VS. COVID-19 AT HINDI PANG-PONDO SA MGA PULITIKO—Aprub na ang mga bagong utang ng Duterte gov’t. na $500-M sa World Bank (WB) at $400-M sa Asian Development Bank (ADB) na gagamitin daw na karagdagang pondo sa pagtugon ng pamahalaan sa laban kontra COVID-19?
Hindi pa naipapaliwanag sa taumbayan kung saan napunta ang naunang inutang na higit P2.1 trilyon na pang-pondo umano sa laban sa COVID-19, heto at may panibagong utang na naman.
Sana, sa laban kontra COVID-19 mapunta ang mga inutang na ‘yan, at hindi pang-pondo sa laban sa pulitika ng mga pulitikong sipsip kay P-Duterte, period!





Comments