top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Pacman-Mayweather 'niluluto' sa Japan

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 11, 2023
1 min read

ni Gerard Arce @Sports | January 11, 2023



May namumuong espekulasyon at nilulutong malaking bakbakan sa bansang Japan na tila masasaksihan ang pinaka-aabangang rematch sa pagitan nina undefeated Floyd “Money” Mayweather at nag-iisang eight-division World champion Manny “Pacman” Pacquiao kasunod ng pagpirma nito ng kontrata sa RIZIN promotions.


Minsan nang lumaban sa ilalim ng RIZIN si Mayweather laban sa kickboxing fighter na si Tenshin Nasukawa na nagtapos lang sa first round at mag-uwi ng tumataginting na $10 million para sa three-round exhibition bout noong Dis. 31, 2018 sa Saitama Super Arena sa Tokyo, Japan, na naging panimula ng nagdaang limang exhibition bout ni Mayweather sapul nang magretiro sa bisa ng 50-0 kartada sa professional boxing.


Noong Sabado ay sumelyo ng one-fight kontrata ang 44-anyos na Filipino boxing legend sa RIZIN para lumaban umano sa isang MMA fighter na kayang lumaban at dumepensa sa kanyang mga atake.


But this next exhibition match here is in Japan. This is different because I think probably my opponent is a professional UFC or MMA fighter, so he knows how to punch and, of course, to cover [up better],” pahayag ng dating Senador sa pagdayo sa Japan upang makipagkita ng personal kay Rizin FF president Nobuyuki Sakakibara.


Sakaling maganap ang laban, inaasahang malaking pera ang gagastusin sa pasuweldo kina Mayweather at Pacquiao at maging ang pay-per-view nito ay magiging madugo dahil sa pakikipagsanib-puwersa sa isa pang network company.


Gayunpaman, maraming Amerikano at iba’t ibang lahi ang mag-aatubiling bumili ng pay-per-view account na mega-exhibition bout ng dalawang legendary at future Hall of Fame boxers. Subalit nakikita umanong magiging mahirap ang pamamahagi ng PPV sa lahat ng nais na kumuha nito dahil gaganapin sa Japan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page