top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pacman, baka ma-KO si Sec. Cusi

BULGAR
Mar 14, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 14, 2021


BIGYAN NG WORK ANG MGA JOBLESS, ‘WAG ANG MGA TRAPO—Idinaos kahapon ng Comelec ang plebisto upang alamin ang pulso ng mga residente sa Palawan tungkol sa inaprubahan ni P-Duterte na hatiin sa tatlo (Palawan Oriental, Palawan Del Sur at Palawan Del Norte) ang lalawigan.


Hay naku, imbes na ang gawin ng gobyerno ay hanapan ng hanapbuhay ang milyun-milyong mamamayan na nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya, ang bibigyan ng Duterte gov’t. ng pagkakakitaan ay ang mga trapo (traditional politician) na maluluklok bilang gobernador, vice-governor, kongresista! Tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


TAMA SI LACSON, NA ANG GINAGASTOS SA PAG-COMMISSION SA SURVEY AY ITULONG NA LANG SA MGA APEKTADO NG PANDEMYA—Hindi nagustuhan ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang mga naglalabasang survey na may kinalaman sa pulitika, na ayon sa senador, dapat sa lumalalang pandemya magpokus ang lahat.


Aniya, imbes na gastusin ang pera sa pag-commission sa mga survey firms ay iambag na lang ito na pantulong sa mga Pinoy na naghihirap sa panahon ngayon.


May punto si Lacson kasi habang naglulundag sa tuwa ang mga pulitikong nangunguna sa survey ay milyun-milyong Pinoy ang naghihirap at nagugutom, period!


◘◘◘


SEC. CUSI, BAKA I-KO NI PACMAN—Kita ang galit ni PDP-Laban President, Sen. Manny Pacquiao sa ginawa ng kapartido niyang si Energy Sec. Alfonso Cusi na ginagamit ang kanilang partido sa pagsusuot ng “P-Duterte for Vice President 2022” nang hindi man lang nagpaalam sa kanya.


At dahil dito ay sinabihan ni Pacman si Sec. Cusi na tigilan na ang maagang pamumulitika at magpokus muna sa pagtulong sa mga nagugutom na Pinoy.


Dapat sundin ni Sec. Cusi ang sinabi ni Pacman, kung dededmahin niya ay baka i-KO (knockout) siya, hindi sa suntok, kundi sa pagsipa o pagpapatalsik sa kanya sa PDP-Laban, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page